page 7

422 5 0
                                    

Natahimik naman si AC habang nilingon si Slater na may kausap sa celphone. "Hay nakung lalaki ka!, nakakadalawa ka na ah!"..sita ni AC kay SLater na akala mo naririnig nito iyon. "To think na ngayon lang tayo nagkita at nagkakilala. At ang mas malala, nakakailang halik ka na sa'kin pero kahit apelyedo mo di ko alam. Ano na lang ang iisipin mo sa'kin? Pangalan lang ang alam ko sau, di ko pa sure kung yun nga yong totoong pangalan mo, o baka naman may GF ka na! or worst baka may asawa ka na!..Naku po! what have I done?! mas lalo lang lumaki ang kaninang simpleng problema ko!:(( "..patuloy na pag-iisip ni AC sabay hilamos ng kamay sa mukha.

Samantala, kausap naman ni Slater ang dapat ay ka-business meeting nya.

"Ah yes Sir!, Don't mind me. it's not a big deal. Actually, I am here, sa restaurant nyo. Tamang-tama kasi I can spend the whole night with my "GF" and her friends.."patuloy na sabi ni Slater sa kausap.

Napatawa pa siya sa sinabi ng nasa kabilang linya.

"Okay Mr. Patrimonio, see you tomorrow then. Thank you for informing me. Good night Sir and enjoy your night, regards to your wife.." pagtatapos ni Slater sabay pindot sa end button.

Jan Slater Lee Young is a licensed Engineer who manage the famous YCS (Young Construction Supply) Manila Branch. Their main branch is on Cebu manage and owned by his Father the famous Engr. John Young. Mr. Alvin Patrimonio is his first client after his long vacation on L.A. He was the one who appointed by his father to do the construction of the new branch of Patrimonio Bar and Restaurant. His Father and Mr. Patrimonio are both stock holders in SMC and meet in one of the stock holders meeting, from them on they became good friends. He met Mr. Alvin Patrimonio  a couple of months ago and before he leaves the country for a vacation. Ang alam nya may  2 anak ito at ang  isa ay  architect kaya siguro nag-click agad ito at ang kanyang ama.Kinuha ni Mr. Patrimonio ang service ng company nila para maitayo ang building ng  bagong branch ng restaurant nito. But because his dad has project na ginagawa sa Cebu, nagdecide ito na sa kanya na ipamahala ang pakikipag-usap kay Mr. Patrimonio. Pero nakansela nga ang meeting nila dahil na rin sa biglaang lakad ng kanyang kliyente.Ito ang kausap nya kanina sa telepono, humihingi na pasensya dahil di makakasipot sa meeting nila dahil naglambing ang asawa na samahan ito sa event na pupuntahan.Pabor din naman sa kanya dahil sa sitwasyong meron sya ngayong gabi.

Pagkaalala sa nangyayari ngayong gabi, di nya maiwasang mapatingin sa table kung saan nakaupo si AC at ang mga kaibigan nito.

Natawa naman sya bigla ng maalala ang mga sinabi ni Mr. Patrimonio sa kanya kanina.

"Enjoy your night and time with the lucky girl, young man!, feel the romantic atmosphere in our place there.."sabi nito. "And I hope na makilala ko ang magpapatino dyan sa palikero mong puso kid." dugtong pa nito sa tonong nagbibiro.Mukhang kung ano- ano ang napagkwentuhan nito at ng kanyang daddy tungkol sa kanya. Aware sya sa bansag sa kanya ng mga tao na Palikero sya,di naman sya apektado dito kasi alam nya sa sarili nya na wala syang sinasaktang babae sa bawat relasyon nya. Girls knows kung ano at hanggang saan lang ang kaya nyang ibigay in terms of commitment.Hindi pa sya handa to sttle down and he knows hindi pa nya nararamdaman ang true love.."Hindi pa nga ba?" biglang tanong sa isip nya.

habang palapit sya sa table nila, napansin nya si AC na nakatakip ang kamay sa mukha na para bang problemado habang ang mga kasama nito ay may sariling mga mundo. Alam nyang nabigla ito sa nangyari kanina lang at sinisisi nya ang kanyang sarili dahil di sya nakapagpigil.Nadala din sya sa sitwasyon. Siguro kung sa ibang pagkakataon nangyari iyon, mag-asawang sampal ang matatanggap nya mula sa babae. Naaawa man sya sa nakikitang frustration sa mukha nito, di naman sya nagsisisi sa ginawa nya. He really enjoy what's happening right now. Parang nakalimutan na nya ang rason sa likod ng lahat ng ito. Na isang malaking pagkukunwari lang ang lahat.

GAME OF LOVE: CHARADETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon