page 20

362 6 5
                                    

"Hi sweetheart, miss me?"nakangiting bati ni Slater pagkapasok nya sa opisinang iyon.

Di maipaliwanag ni Slater kung bakit ganun na lang ang kanyang saya at tuwa ng muling makita si Tin.SObrang miss at sabik na sya na muling makita ang smile at maamong mukha nito.

Hawak ang isang bouquet ng flowers, nilapitan nya ang dalaga na ngayon ay titig na titig din sa kanya.

"I miss you so much.." sabi ni Slater sabay kabig sa dalaga para gawaran ng masuyong halik sa labi. Ramdam nya ang pagkabigla ng dalaga at ang panginginig nito dahil sa biglaang halik niya. Di mapigilan ni Slater ang mapangiti habang nakalapat ang kanyang labi sa labi nito dahil sa reaksyong iyon ng babae. He knows na maaaring masampal sya nito sa kapangahasan nya pero, what the heck, he really misses this girl.

Napangiti pang lalo si Slater ng imbis na sampalin siya ng babae ay tumugon pa ito ng yakap sa kanya. Pagkatapos ng sandaling halik na iyon, niyakap niya ng mahigpit si Tin. He can't get enough of her scent.

"So, what brought you here, at pano mo nalaman itong opisina namin." mahinang tanong ng dalaga pagkabitaw nila sa isa't-isa.

"Tito Alvin once told me about this place." sabi niya habang nakatitig kay Tin na inaamoy ang mga bulaklak na dala nya. "I came here to inform you that we are having dinner in your house.." dagdag pa niya.

Nagulat naman ang dalaga sa sinabi nya.

"We" as in kayo ng pamilya mo? dinner in my house?" napalakas pang sabi nito.

"Wow! ano yan ha! namamanhikan na kayo?.." natatawang sabat ni Mark na nasa dulong table.

Napangiti na lang siya sa sinabing iyon ni Mark.

"No, we as in tayong dalawa. Tito told me na inaaya daw ako ng mommy mo na dun na kumain ng dinner sa bahay nyo. Nagtataka nga ako kung bakit di mo sinasabi sa'kin na gusto na palang makita at makilala ng mommy mo ang "boyfriend" mo.." pagbibiro pa niya. "So, after my work, I decided to drop by para sabay na tayo umuwi sa inyo. Excited na din akong ma-meet si mommy and Angelo.." nakangiti pa niyang sabi.

GAME OF LOVE: CHARADETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon