"Good Morning Tito!, pwedeng maka-istorbo ng saglit..," dire-diretsong bati ni Pamu pagkatapos ay nagulat din sa nabungaran. "O, Good Morning Slater!, anong ginagawa mo dito?, hmmm, magkasama langh tayo last night, na- miss mo na agad si AC, kaw ha!.." nagbibiro pang dugtong ni Pamu na walang kaalam-alam sa tensyong nararamdaman niya.
"Good Morning Pamu.." sagot naman ng kanyang ama. "What are you talking about? Si Slater, kasama nyo kagabi? so, kilala nyo ang girlfriend nya.? why did you didn't tell me Tin.." dagdag pa nito.
Nagkatinginan silang tatlo. Si Pamu na natigilan at pilit iniiiwas ang mata sa kanila, si Slater na nakakainis dahil mukhang cool na cool pa rin, at siya na di malaman kung ano ang gagawin. Hindi nya alam kung paanong ipaliliwanag sa kanyang Daddy ang pagkaka-ugnay nya kay Slater, ayaw nyang magsinungaling dito pero kapag sinabi nya ang totoo, malalaman ni Pamu at tiyak mas magiging magulo ang sitwasyon.
Napatingin sya kay Slater. She give him that look na sana malaman na kailangan nya ang saklolo ng mga sandaling iyon. At mukhang nakuha naman nito ang ibig nyang sabihin ng magsimula itong magpaliwanag.
"Morning Pamu..nakangiti bati ni Slater. Tito and I are talking about the construction of their new branch, and I was the one incharge of it." sabi pa ng lalaki.
"So, Engr. ka pala at ikaw pala ang gagawa ng design ni AC..ba't naman kasi di mo nasabi sa amin kagabi..nakangiti namang sagot ni Pamu."Tingnan mo nga naman o, galing talagang pumili ni AC, perfect couple, isang Architect, at isang Engineer!..bulalas nito.
"Ah, Pamu hinihintay ka na ni Kevin dun sa site, heto na ang susi ng kotse, kuhanin mo na lang dun sa parking lot.." taboy na nya kay Pamu. Sobrang daldal nito at baka kung ano pa ang masabi sa kanyang Daddy.
Kinuha naman ni Pamu ang susi at nagpaalam na sa kanila. Binalingan naman ni Tin ang kanyang ama.
"Dad, I'll explain it to you later okay. Mag-breakfast muna tayo nina Engr. kasi nagugutom na ako.." nakangiti naman niyang sabi sa ama.
"Okay iha, ako ng magpapahanda ng table, maiwan ko na muna kayo total magkakilala na pala naman kayong dalawa, kayo na ang bahalang mag-usap ng mga detalye about dyan sa design ha.." sabi pa ng ama at lumabas na ng opisina.
Niwan sina Tin and Slater sa loob ng opisina. Si Tin ay umupo sa upuan ng kanyang ama samantalang si Slater ay muling naupo sa harap ng table na iyon. Di napigilan ni Tin ang magsalita ng makita nyang nakatingin si Slater sa kanya with half smile.
"What!.." nakataas ang kilay na tanong niya.
"Wala naman. Natatawa ako sau, you look so tense and nervous. Akala ko nga magko-collapse ka.." pabirong sabi naman ni Slater.
"Tse! nakakapagbiro ka pa ng ganyan. Look at our situation? Sa dinami-dami ba naman ng Engr. dito sa Pilipinas, bakit kaw pa ang naging Engr. ni Daddy, at bakit sa dinami-dami naman ng pwedeng tumulong sa akin kagabi, kaw pa ang andun." himutok pa ni Tin." Teka! baka naman kaw ang may pakana nito." sabi pa niya na lalong nakapagpatawa kay Slater.
"Whooah!..at ako pa talaga ang sinisi?. Look, di ko alam na sa inyo pala itong restaurant na ito at anak ka ni Tito Alvin okay, at saka buti nga andun ako kagabi at tinulungan kita, kung hindi, ewan ko na lang sau.." sabi naman ni Slater.
"Sorry naman.." hinging paumanhin ni Tin ng mapagtanto ang kanyang sinabi. "Thankful ako na tinulungan mo ako kagabi, it's just that, hindi ko na talaga alam ang gagawin, pano ko 'to ipaliliwanag lahat kay Daddy.."frustrated pang sabi nya.
"don't worry too much, everything will be alright,.." sabi pa nito sabay hawak sa kamay nya. Naalala nya tuloy ang sinabi nito kagabi. Ganung mga salita din ang sinabi nito kagabi and everything turns alright, pero di sya sigurado kung ganun din ang mangyayari ngayon kasi Daddy nya ang kaharap nila. Hindi sya sanay magsinungaling lalo na sa kanyang mga magulang,kaya imposibleng hindi yun mapansin ng Daddy nya.
"Mam, Sir, ipinatatawag na po kayo ni Sir Alvin, nakahanda na daw po ang breakfast.." singit ng sekretarya ng daddy nya.
"Okay Carla, lalabas na kami." Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa nya sabay bawi sa kamay nya bago niyaya si Slater sa paglabas sa opisinang iyon.
" Relax, akong bahalang magpaliwanag kay Tito okay, Leave it to me. Kaya natin syang paniwalain. Tingnan mo, after this, your Dad will like me to be his son-in-law.." nakangiti pang sabi nito habang ikinukulong sa palad nito ang kamay nya.
"Slater, magseryoso ka nga!, isipin mo kung paano natin malulusutan ang gulong 'to. Paano kapag kumalat at malaman ng ibang tao na mag "BOYFRIEND-GIRLFRIEND" tayo, lalong malaking eskandalo yan. Baka isang araw may sumabunot na lang sa akin na asawa or girlfriend mo at akusahan akong mang-aagaw. Ayoko ng eskandalo!.." mahabang litanya nya.
"Hahaha!..masyado kang nag-iisip, huwag mong masyadong problemahin ang mga bagy-bagay..Trust me okay.." sabi naman nito na hindi kinumpirma kung may asawa o gf na ito. It somehow give her that sad feeling." Let's go!..hinila na nito ang kamay nya ng hindi sya tumitinag sa kanyang kinatatayuan.." Ipakilala mo na sa Daddy mo ang iyong gwapong boyfriend.." pabiro pang sabi nito.
Napapailing pero napapangiti naman siyang nagpahila dito palabas. How can this man look so cool and calm in this kind of situation?, and how can this man makes her heart melt with his simple gesture?..Hindi nya maiwasang kiligin sa mga simpleng salita na sinasabi nito at ano itong nararamdaman nya sa isiping si Slater ay ipakikilala nyang boyfriend sa kanyang ama......EXCITEMENT!?.. what is the meaning of this!.." naguguluhang tanong ni Tin sa sarili.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE: CHARADE
FanficWhat do you call on a thing or feeling that comes along in your way in the most unexpected situation?..Could LOVE be possible if the two people involve started in a wrong way?..and what if the "Fake" beginning turns out to be the "Real" ending?..let...