"ang bait naman nila.." sagot naman niya. "At ang swerte mo mommy! ang gwapo ng alalay mo kagabi.." nakangiting sabi nya habang nakatingin sa kanyang daddy sabay kindat dito.
"Hay naku! mag-ama nga kayo.."natatawang sagot ni Mrs. CP. By the way Hon, dito ka ba mag-aalmusal?
"No Hon, i set the meeting early today kaya sa restaurant na ako kakain. I better get going, nakakahiya naman sa ka-meeting ko kung male-late ako.." sabi ni Mr. Patrimonio sabay tayo.
Pero napahinto rin ito ng biglang may maalala.
"Tin, kelangan ko nga pala ikaw dun sa meeting kasi wala ang iyong kuya Angelo,na-extend ang bakasyon nya, so samahan mo ako dun para ikaw na lang ang magpaliwanag ng detalye about dun sa lay-out ng building. Total kaw rin naman gumuhit nun kaya wala tayong magiging problema. Wala ka pa namang trabaho ngayong araw di ba?.." sabi ng kanyang daddy.
"yes Dad. Sa friday pa po ang start ng gagawin kong lay-out. Hinihintay ko pa ang report nina Pamu. Sige po sunod na lang ako sa inyo sa restaurant, medyo male-late lang po ako kasi magta-taxi ako punta dun. Naiwan ko ang kotse ko sa restaurant kagabi.."mahabang paliwanag nya.
"Pano kang nakauwi kagabi? Naku Tin di ba sinabi namin ng daddy mo na delikado magtaxi sa gabi.." nagulat na sabi ng kanyang mommy.
"Mom, di ako nagtaxi pag-uwi..may naghatid sa 'kin d2.."walang prenong sabi nya.Napamulagat siya ng makita ang biglang ngiti ng kanyang ina.
"hmmm..mukhang naging masaya ang hang-out nyo kagabi ah..Meron ba kaming dapat malaman Iha?.."nakangiting tanong pa ng kanyang ina.
"Ah..wa..wala mommy!" nabubulol pa niyang sabi. Napasarap lang po ang inuman namin kagabi kaya di na nila ako pinayagang mag-drive"..paiwan na sagot niya.
"Okay sabi mo eh..o sige Hon..lakad ka na baka nga ma-late ka pa.." baling naman ng kanyang ina sa kanyang daddy.
"Oo nga dad, mauna ka na..sunod na rin ako..i just take my shower..Bye dad,,ingat sa pagda-drive.." pahabol pang sabi nya bago umakyat sa kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE: CHARADE
FanfictionWhat do you call on a thing or feeling that comes along in your way in the most unexpected situation?..Could LOVE be possible if the two people involve started in a wrong way?..and what if the "Fake" beginning turns out to be the "Real" ending?..let...