Napahinga ng malalim si AC pagkapasok nya sa kanyang kwarto. Buti na langh at di na masyadong nag-usisa ang mga magulang nya about sa kung sino ang naghatid sa kanya last night. Di nya alam kung pano ipaliliwanag sa mga ito ang mga pangyayari. Alam nyang matutuwa ang kanyang mga magulang lalong-lalo na ang kanyang mommy kapag nalaman na may boyfriend na sya kasi ibig sabihin nun naka-move on na sya from the past, pero ayaw naman niyang pati ang kanyang mga magulang ay pagsinungalingan ng tungkol dito. Pagkaalala sa mga nangyari kagabi di nya maiwasang mapangiti. "Hay Slater, magkita pa kaya tayo?.."wala sa loob na naibulalas ni Tin. At binalikan nya ang huling nangyari bago sila naghiwalay kagabi..
"O pano guys, let's call it a night?. May mga trabaho pa tayo bukas.." sabi ni Mark na nakayukyok na sa table katabi sina Kim, Pamu and Kevin.
"Buti naman at naalala mo pa ang trabaho natin sa kabila ng kalasingan mo.."natatawang sabi ni AC kay Mark. Medyo maingay na rin siya dahil sa tama ng alak.
Nagkanya-kanya na sila ng sakay sa kotse. Si Kim at Mark magkasama sa kotse ng lalaki, samantalang si Pamu naman ay akay-akay na ni Kevin punta sa kotse nito. Naiwan sya na nakasandal sa hood ng kanyang kotse habang nagpapaalam.
"O pano Slater, kaw na bahala kay AC ha..Ingatan mo yang friend naming yan.."narinig nyang bilin ni Kim bago sumakay sa kotse ni Mark.
"Bye guys! Ingat sa pag-uwi."sabi naman ni Mark bago paandarin ang kotse. "Nice meeting you Bro. hang-out ulit soon.." sabi naman nito kay Slater.
"Okay ingat din kayo. Mark! drive safely. Good night guys.." kaway pa ni Slater sa dalawang kotse na papaalis.
Pagkaalis ng kotse nina Mark at Kevin, nilapitan siya ni Slater. Si Slater na mukhang mabango pa rin kahit na magdamag na silang nag-party. "Malakas siguro ang tolerance nito sa alcohol dahil mukhang di naman ito lasing.." isip pa ni AC habang nakatingin sa papalapit na lalaki.
"Hatid na kita sa inyo, medyo naparami yata ang nainom mo.." sabi nito ng makalapit sa kanya.
"Oh no, I can manage. Thank you na lang.." sabi naman niya bago nagpasyang lumakad pasakay ng kotse.
Pero bago pa man niya mabuksan ang pinto nito, naramdaman nya ang hilo dulot ng alak. Di na nya kinaya ang kanyang katawan at pakiramdam nya ay babagsak siya sa lupa. Pero ang inaasahang pagbagsak ay di nangyari dahil naramdaman nya ang pagsalo ng mga brasong iyon sa kanyang bewang.
"Ooooppppsss! muntik na yun ah!..Thanks, you're my hero.." nakangiting baling nya kay Slater.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE: CHARADE
FanfictionWhat do you call on a thing or feeling that comes along in your way in the most unexpected situation?..Could LOVE be possible if the two people involve started in a wrong way?..and what if the "Fake" beginning turns out to be the "Real" ending?..let...