page 18

440 5 14
                                    

Inirapan naman siya ng dalaga.

Nagulat naman si Tin sa itinawag sa kanya ni Slater.

"Tin-Tin" another pet name" mapait na turan ni Tin sa sarili.

Kung siya nagulat sa endearment na ginamit ni Slater, ang kanyang daddy siguradong hindi, kasi alam nito na "Tin" ang tawag sa kanya ng mga kaibigan at malalapit na tao sa buhay nya. Bukod sa "princess", "sweetheart" at "baby" na tawag sa kanya ng mga magulang. "Christine" or "AC" naman para sa mga bagong kakilala. AC ang ipinatawag nya sa kanyang mga kaibigan simula ng mangyari ang isa sa pinakamasakit na karanasan nya before. Isa iyon sa hiningi nyang pabor sa mga kaibigan para madali siyang maka-move on from that painful past.

Ngayon naman "Tin-Tin" buhat kay SLater. "Hay naku, Anna Christine Patrimonio, anong sakit at pait naman kaya ang dulot ng bagong pet name na ito sa'yo? or baka naman kilig at sya?" pagtatalo ng isip ni Tin.

"Alam na ba  ito sa inyo Slater?, Anong reaksyon ng daddy at mommy mo?" tanong ulit ng kanyang daddy.

"Hindi pa po nila alam Tito. Gaya nga po ng sabi ko, ngayon pa lang po kami nagkaroon ng time ni Tin-Tin. Ang plano nga ho sana namin, imbitahan kayo ni Tita at saka sina mom and dad sa isang dinner para pormal naming sabihin sa inyo 'to." sagot naman ni Slater.

"Don't worry Tito, alam kong matutuwa sina Mommy kapag nalaman na si Tin-Tin ang girlfriend ko." nakangiting sabi pa ng lalaki. Di alam ni Tin kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalaking ng mga oras na yun. Bakit parang napaka-natural lang para sa lalaki ng mga nangyayari?. Ang galing nitong umisip ng kwento at mukhang kapani-paniwala naman.

"Eh ano pa nga bang aasahan mo sa isang babaerong lalaki, natural, snay na sanay na yan sa mga ganitong sitwasyon!." bulong ng isip ni Tin.

Pero bakit parang ang sakit isipin na di lang siya ang ginawan nito ng ganitong pabor, na posibleng di lang siya ang naging "girlfriend" nito, na posibleng may naghihintay ng "totoong girlfriend" dito. Bakit parang di matanggap ng isip nya na babaero ang lalaki. Bakit di nya maiwasang umasa na sana single pa rin ito at sana..sana ito na ang lalaking muling magpapatibok sa kanyang puso.

GAME OF LOVE: CHARADETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon