page 17

329 4 0
                                    

" We decided na pagbalik ko na lang saka namin sabihin sa inyo ang tungkol sa'min. And this project is the best chance para maipaalam sa inyo ang relasyon namin.." dagdag pa ng lalaki.

Tahimik lamang na nakikinig si Mr. Patrimonio. Di maiwasan ni Tin ang humanga kay Slate sa kabila ng nararamdaman niyang nerbiyos. Kahit naman siguro sinong makakarinig sa kwento nito, mapapaniwala dahil sa galing nitong magbuo ng story.

Si Slater naman kahit may konting worry, pinanatili pa ring composed ang sarili. Di rin niya maipaliwanag kung bakit ganun na lang kabilis maka-isip ng kanyang utak ng kwento. Parang kusa na lang bumubukas ang labi niya at dumadaloy ang idea sa kanyang isip. Alam niyang maraming lapses sa kwento niya, pero sana lang di na yun bigyang pansin ni Mr. Patrimonio at sana napaniwala nya ito.

Di rin maiwasang mapangiti ni Slater ng pagbaling nya kay Tin, halatang-halata sa mukha nito ang kabang nararamdaman. Siguro akala ng daddy nito, natatajot ang dalaga dahil sa pagtatago ng kanilang "relasyon" pero deep inside alam nya ang ipinagkakaganoon ng dalaga. Sa kabila ng sitwasyon nila, di pa rin maiwasang titigan ni Slater ang mukha ng babae dahil nakatatak pa rin sa isip nya ang maamong mukha nito, at ang magandang smile nung una silang magkita.

Boses ulit ng ama ni Tin ang nagpa-alis ng pagkakatitig nya sa dalaga.

"Kaya pala ganun na lang ang pagpuri at paghanga mo sa Architect na gumuhit ng plano ng restaurant.." sabi ni Mr. Patrimonio. " Naloko mo ako dun ah!.." natatawa pang dagdag nito.

Natawa na lang din si Slater sa sinabi ng ginoo. Kung alam lang ni Mr. Patrimonio na kahit siya ay nagulat sa nalaman.

"Parang ganun na nga ho. Pero, honestly, magaling naman talaga gumuhit si Tin-Tin.." nakangiting pakikisakay nya sa sinabi nito sabay baling sa dalaga.

GAME OF LOVE: CHARADETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon