Inirapan naman ni Tin ang binata ng marinig ang sinabi nito.
Guilty sya dun. Noong isang araw pa sinabi ng kanyang mommy Cindy na gusto nitong makilala si Slater pagkatapos ikwento ng kanyang daddy ang nangyari sa restaurant. Lalo pa siyang kinulit nito ng malaman na anak pala ang binata nina Engr. John Young at Mrs. Salome. Gumawa na lang siya ng alibi na kesyo busy silang pareho kaya walang time para sa meet-up na iyon. Alam niyang pati ang kanyang Daddy ay kinulit na din ni Mrs. Cindy kaya nalaman ni Slater iyon.
"Sinong may sabi na sasabay ako sa'yo?. Kung gusto mong maki-dinner sa'min, magpunta ka mag-isa." naka-irap pang sabi niya.
"Ganun!?. eh pa'no kaya kung tawagan ko si Tito tapos sabihin ko di tayo makakapunta sa dinner kasi may date tayo. Tapos sabihin ko na lang kay Tita na ayaw mo akong ipakilala sa kanya kasi galit ka sa'kin..tiyak magtatanong yun, lagot ka.." nang-aasar naman nitong sagot.
"Alam mo, sanay na sanay ka talagang magsinungaling noh?..napabiglang sabi niya. Biglang siyang napatingin sa mukha nito kasi baka na-offend nya ang lalaki sa kanyang sinabi. She is about to make apologies pero bigla naman itong humirit.
"Sino naman maysabing nagsisinungaling ako?. Gusto mo wag na lang tayo pumunta sa dinner, date na lang tayo somewhere or watch tayo movie or movie marathon sa condo ko.."agad namang sabi nito "para masolo naman kita" pabulong pang dagdag ng binata na di nya alam kong iyon ang eksaktong sinabi nito.
BINABASA MO ANG
GAME OF LOVE: CHARADE
FanfictionWhat do you call on a thing or feeling that comes along in your way in the most unexpected situation?..Could LOVE be possible if the two people involve started in a wrong way?..and what if the "Fake" beginning turns out to be the "Real" ending?..let...