Friend Zone (tagalog)

9.9K 72 7
                                    

Pasensya kana kung hindi ako makuntento sa kung anong meron tayong dalawa

Pasensya kana kung humihiling ako ng higit pa

Pasensya kana hindi ko naman sinasadya

Hindi ko sinasadya na mahulog sayo at mahalin ka

Nung una kaibigan lang talaga

Pero nung nakilala ka ng sobra

Hindi ko mapigilan na mahalin ka

Hindi ko naman masisisi yung puso ko na mahulog sayo

Kasi yung pagkatao at ganda ng ugali mo

Nahuli mo agad ako

Pero dahil kaibigan lang ang turing mo

Dahil kaibigan lang ang gusto mo

Pipilitin kong baguhin ito

Pipilitin kong magmove-on kahit hindi naging tayo

Pipilitin kong ibalik ang dating nararamdaman

Yung tipong kaibigan ka lang at iba ang aking mahal

Pipilitin ko ring huwag mo akong makita na nasasaktan

Pipilitin kong baaguhin lahat ng nararamdaman

Magawa ko lang ang gusto mo

Ang maging kaibigan lang sa taong aking pinakamamahal



ctto...

The Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon