Baka sa susunod na araw makakalimotan ko na may tayo
Baka sa susunod na araw makakalimotan ko narin yung mga yakap mo mga sandaling oras na may tayo
Baka sa susunod na araw makakalimotan na rin kita
Hinde madali sa akin na ikaw ay kalimutin at alisin sa aking mga alaala
Akoy nakatitig sa iyong mga mata, nakita ko sayo ang pagmamahal mo sa akin
Oo minahal mo ako, pero mas minahal kita kaysa sa sarili ko
Nakalimutan ko mahalin sarili ko
Sinuway ko ang hiling ni mama para sayo
Hinde ko sinunod ang mga utos nya na paghiwalayin nya tayo
Ganyan kita ka mahal
Pero bakit?
Bakit, madali lang sayo hiwalayin ako
Bakit ang dali mo akong saktan nang ganito
Bakit ang dali lang sayo makahanap ng ibang tao na makapagpapasaya sayo
Bakit?...
Bakit??....
Sa mga oras na ito ay akoy nagtatanong sa sarili ko
San ba ako nagkulang?
San ba ako nagkamali?
Naisip ko tuloy baka hinde sya para sa akin
Baka hinde sya karapatdapat sa akin
Kase kung sya talaga...
Sana hinde ka nagmahal nang iba
Sana binalikan mo ako nung nasaktan ako
Sabi mo pa sa best friend ko may "care parin ako sa kanya"
Pero saan?
Saan don? Ning kahit minsan may oras ka pa sa iba kaysa sa akin
Oo, gustong gusto ko yung atensyon mo dahil nakasanayan ko
Pero kung saan man kakahantungan ang ating relasyon ay hanggang dito nalng
Nagpapasalamat ako sa lahat lahat
Dahil kung sa kaling babalik ka
Wala ka nang babalikan pa.
BINABASA MO ANG
The Spoken Poetry
PoetryThis is all about spoken poetry... Some are not mine so don't worry I will put credits And don't forget to vote and read The Spoken Poetry