LAGI KITANG NAKIKITA
LAGI KONG NAPAGMAMASDAN ANG IYONG MGA MATA
LAGI KONG NAPAPANSIN ANG IYONG MGA NGITI
TILA PARA BANG LAGING MAY SASAMBITIN ANG IYONG LABI.
NAIS KONG SABIHIN SAYO NA MAHALAGA KA
NARARAMDAMAN KO NA DAPAT PAGHIRAPAN KITA
NAGDADASAL SA MAYKAPAL NA SANA IKAW NA.
PERO PARANG MARAMI ATANG HADLANG SA ATING DALAWA.
HINDI KO ALAM PERO SA TINGIN KO HINDI KA LANG MAHALAGA
HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KITA LAGING NAPUPUNA
DI KO LUBOS MAINTINDIHAN ANG TU/NAY NA NADARAMA
NAGUGULUHAN NA AKO ANO NGA BA?
SA PAGLIPAS NG ORAS AT PANAHON
HINDI KO NA ALAM KUNG PANO PA KO MAKAKAAHON
SA PAGKAKALUNOD KO SA PAG IBIG MO NA AKO LANG ANG TANGING SASAGIP SA SARILI KO.
HINDI ALAM KUNG PAANO O KUNG BAKIT AKO NAGKAGANITO SAYO PERO ANG TANGING LAMAN LAMANG NG AKING ISIP AY "IKAW"
IKAW! IKAW NA NAGSILBING ILAW SA MADILIM KONG BUHAY
IKAW! IKAW NA BIYAYA NGUNIT HINDI AKO ANG PINAGPALA
IKAW! IKAW NA AKING HINILING NGUNIT HANGGANG NGAYON WALA PARIN.
SA ORAS NA TO PARANG KAILANGAN NA KITANG KUNIN SA TADHANA
AYOKO NANG HUMILING SA IBA PANG MGA BITUIN
AYOKO NANG MAGTAGO SA PUNO NNG LILIM
AYOKO NANG MAGLIHIM
HINANANP KITA SA MADILIM NA PALIGID
WALA AKONG PAKE SA KUNG ANO MAN ANG MERON SA DILIM
ANG NAIS KO LANG AY IKAW AY ABUTIN
NGUNIT IKAW?
LUMALAYO PARIN SAKIN....
AYOKONANG PAHABIIN PA ANG AKING PIYESA
ITITIGIL KO NA TUTAL WALA RIN NAMANG KWENTA
SA TINGIN KO TAMANG NAPAGOD NALANG DIN AKO
SAPAT NA ANG BAWAT SALITA NA INAALAY KO SAYO
KAYA MAHAL
TANDAAN MO NA SA BAWAT MINUTO ORAS AT TAON NA IKAW AY AKING HINAHANAP
HINDI AKO MAPAPAGOD NA IKAW AY MAHALIN AT SAMBITIN NA WALANG MAKAPAPANTAY SA PAG IBIG NATIN.
ctto..
BINABASA MO ANG
The Spoken Poetry
PoesiaThis is all about spoken poetry... Some are not mine so don't worry I will put credits And don't forget to vote and read The Spoken Poetry