Tayo'y pinagtagpo lang pala
At hindi itinadhana para sa isa't-isa
Tayong dalawa ay patuloy na umaasa
Ngunit ngayon, kailangan ko ng lumayo. Pasensya.Sabi mo, gusto mo ako
Aking puso't isip ay nagtatalo
Kung maniniwala ba sa sinabi mo
Dahil baka ikaw lamang ay nalilitoNalilito sapagkat ako lang naman ang kasama mo sa lungkot
Nagbabalewala sa utot mong kay bantot
Nagpapasaya sayo kapag hindi mo kayang tumawa
Sumasagip sayo kapag ika'y naaaberyaYung totoo, gusto mo ba talaga ako?
Tandaan, ang gusto at kailangan ay hindi magkapareho
Huwag mong pilitin kung hindi naman kaya
Tanggap ko na noon pa, huwag kang mag-alalaKaya mahal, ako na ang lalayo
Subalit bago iyan, iiwanan kita ng isang payo
Minsan, kailangan mo ring sundin ang iyong puso
Dahil kapag utak lang lahat, ito'y maglalahoSana maging masaya ka sa kanya
Alam mo kung sino tinutukoy ko, bwesit ka
Simula't sapul, diba siya naman talaga?
Brad, matalino ako, hindi tangaSige na. Pinapalaya na kita
Kahit anuman ang mangyari, may tagasalba ka
Huwag ka ngang duwag, ano ba?
Huwag kasing ipagpilitan sakin ang sarili kung gusto mo pa siya.Lalayo na ako ha?
Lalayo na ako bago kita malayo sa kanya
Paalam, aking sinisintaDahil alam ko na masaya kana sa kanya kaya ako ang lalayo
Lalayo ako kase panakip butas lang ako para sayo••crdts to the owner••
BINABASA MO ANG
The Spoken Poetry
PoetryThis is all about spoken poetry... Some are not mine so don't worry I will put credits And don't forget to vote and read The Spoken Poetry