"Minsan"

3.7K 25 0
                                        

MINSAN Minsan masaya din magpagisa na

Maglalakad lakad nang walang kasama

Magmumuni muni sa mga bagay na gusto mong matamasa

Mananaginip habang nakabukas ang mga mata

Minsan natutuwa ka na ikaw at ang sarili mo lang ang naguusap

Na iniisa isa ang nakalistang mga pangarap

Habang minamasdan ang kapaligiran at ang alapaap

At hinihintay ang pag galaw ng mga asul na ulap

Minsan kailangan mo din mapagisa

Para matuto kang magisip at mag analisa

Ng mga bagay bagay at pangyayari sa buhay na meron ka

At natututo kang maging metatag para sa panahon na maiwan ka,

Doon masasabi mo na “kaya ko naman mag isa

ctto..

The Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon