"PAG ASANG PARANG BULA"

473 2 0
                                    

Taong dalawang libo’t labing pito.
Ang taon na muling tumibok ang aking puso , at lahat ng ito ay nangyari ngayong buwan ng marso.

Pero teka?….Ito ba ay dapar kalimutan na?….

Dahil dito ko rin nalaman sa buwan na ito na may kasintahan ka na pala……

Mali pala ang aking inaakala….
Akala ko ito ay magandang alaala….

Ngunit ako’y mali pala. Dahil ito pala ay ang araw na halos ayoko ng maalala….

Dahil sa araw na ito, ay ang araw na nalaman ko na may kasintahan ka na pala. . .

Ang puso ko ay unti unting nabasag… Ito ay wasak na wasak. Masakit. Masakit para sakin, balak ko sanang aminin ngunit……

Wala na. Akoy nawalan na ng pag asa, pag asa na maging tayong dalawa.

Ang tayo na magkita at magkakilala. Ang tayo ay maging magkaibigan at magkatuluyan. Pero ito ay nawala. Ito ay nawala at naglaho na parang bula. .
…..
Pero kahit na may kasintahan ka na, hindi parin ako titigil na humanga, humanga sa taglay mong ganda..

Kabaitan at katalinuhan. Oo.
Mahal. Mahal parin kita kahit ang sakit sakit na. ….Masakit. Oo, sobrang sakit. Hindi ko pa nasasabi pero bakit meron na agad na balakid??? Dahil nung una palang…..

Nung una palang gusto ko na na iyong malaman na totoo ang aking nararamdaman. Ang dibdib kong kinakakabahan sa akoy pumaparada sa inyong harapan.

Ang kislap ng iyong mata, lalong nangingibabaw ang iyong ganda.
Nung una kitang makita, pakiramdam ko tayo ay tinadhana.
Nung una kitang makita gusto ko sanang magpakilala pero wala na, naunahan na ng iba. este ng aking kaba.

Simula ng ikaw ay makita, naisip ko na ikaw na talaga. Ikaw na at wala nang iba pa.
Sa ating unang pagkikita, ako ay umasa….

Umasa na tayoy muling magkikita at tayo ay karapat dapat sa isat isa. Sa muling pagkikita, sasabihin ko na sayo ateng kolehiyalaaaaa…. Pero…..

Ayaw ko na. Akoy susuko na. Kaya pala naisulat ko itong tula… Dahil dito na… Dito ko na sasabihin na mahal kita. Dito nalang sa tula aasa….

Aasa na mapansin mong mahal kita kahit mag kasintahan ka ng iba.

Ctto...

The Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon