The Bump

1.9K 112 39
                                    

Sophia's POV

"Hija? Where are you? May nakapagsabi sakin na nasa hotel ka daw. Akala ko kina Yannie ka matutulog?" bungad ng lolo niya.

Ang bilis talaga ng balita.

"I changed my mind Lolo. Dito na lang ako sa hotel. Gusto ko kasing magswimming." aniya. Nasa pinaka-itaas na floor siya ng hotel kung nasaan ang mga VIP Suites. She's trying to get some rest. Napagod talaga siya sa paglilinis ng suite nina Ethan.

"Bakit diyan? May pool naman tayo dito sa bahay ah." anito. She rolled her eyes.

"Lolo, nakakasawa na po yung pool natin. I want a new and refreshing surrounding. Dito lang naman po ako sa hotel eh." aniya. Napabuntong hininga ito.

"Alright. Atleast diyan alam kong safe ka. Oh siya, call and update me every now and then para alam ko kung nasaan ka ha?" anito.

"Ok Lo. Thank you and I love you!" malambing niyang paalam.

"Bye hija. Love you too." sagot nito.

Nakangiti niyang ibinaba ang cellphone. Ang lakas talaga niya sa Lolo niya. Atleast hindi na niya kailangang pumunta ng Iloilo at magsinungaling dito.

She tried to get some sleep kasi kulang na kulang ang tulog niya since yesterday. Naidlip naman siya ng ilang oras kahit papano. Marahil dahil na rin sa sobrang pagod. Nagising siya bandang alas otso na ng gabi. She ordered dinner and ate alone inside her suite. Gusto sana niyang bumaba kaso hindi siya pwedeng makita ni Ethan na kumakain sa isa sa mga restaurants dun. She's supposed to be a housekeeper.

After eating her dinner, she wore the housekeeping uniform again then went down. Bumaba siya sa floor nina Ethan. She's not sure kung nasa suite na ba ito o nasa baba pa. Sandali siyang nag-isip. She decided to go down first. Pag hindi niya ito nahanap sa baba, malamang nasa loob na ito ng suite.

Tamang tama na bumukas ang pinto ng elevator sa floor kung nasaan siya. She saw a man went out. Bahagyang malayo ang elevator kaya tinakbo niya ito bago pa tuluyang sumara ulit.

Sa sobrang pagmamadali, hindi niya napansin na meron pang papalabas ng elevator. Huli na nang makita niya ito. Imposible nang makapagpreno. Nanlaki ang mga mata niya bago siya tuluyang sumubsob dito. Their heads crashed and she literally saw stars dancing around her head. Before she knew it, she passed out.

Ethan's POV

He's looking at her intently while she's sleeping. He couldn't believe this girl. She's a walking disaster. Dalawang beses na siyang binangga nito. He got lucky the first time, pero ngayon, minalas siya. Ang laki ng bukol niya sa ulo. Napangiwi siya nang bahagya niyang i-adjust ang ice pack na nakalapat sa bukol niya. Nagpatawag na siya ng first aid kanina at pareho na silang natingnan ng babae. So far, wala namang serious damage isa man sa kanila. Parehong bukol lang ang inabot nila. Napabuntong hininga siya. Wala pa naman ang parents niya ngayon. Doon sila matutulog sa mga kamag-anak nila sa probinsya.

Lumapit siya sa kamang kinahihigaan nito at naupod sa gilid. She's still unconscious pero sabi ng nurse kanina, she will be fine. Magigising din daw ito anytime but he's still a bit worried. Tinitigan niya ito. Unti unti nang nagkukulay violet ang bukol nito sa itaas na bahagi ng noo nito. She must have been hurt so bad. Siya nga halos panawan ng ulirat sa lakas ng impact, ito pa kaya.

Naagaw ang pansin niya nang biglang tumunog ang cellphone nito na nakalapag sa side table. Nahulog ito kanina nang magkabanggan sila. He picked up the phone. Her Lolo Alfred is calling based sa nakaregister na pangalan sa screen. Sandali siyang nag-atubili kung sasagutin ba niya o hindi. Akmang sasagutin na nga niya nang biglang maputol ang tawag.

My Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon