The Skydive

1K 53 25
                                    

Sophia's POV

She woke up feeling so happy and alive. It's just 5 in the morning but she's already feeling energized all over. She got up then walked straight into Ethan's room.

"Hey sleepy head! Time to wake up." aniya sa nakatalukbong na si Ethan. Hindi ito gumalaw kaya naisipan niyang kilitiin ito. Napangiti siya nang pumiksi ito.

"Sophia..." reklamo nito sa malalim at bagong gising na boses.

"You have to get up. We still need to explore Dubai." aniya.

"Explore Dubai?" tanong nito na tila bahagyang nahimasmasan na.

"Yup." nakangiti niyang sagot.

"I thought before lunchtime yung schedule mo for skydiving? We don't have much time left to explore the city." anito na bahagyang napakunot noo.

"I rescheduled it." aniya na nagsimula nang tumayo.

"You what?" maang na tanong nito.

"I said, I rescheduled it." nakangiti niyang sagot.

"Sophia... I need to be in Manila the day after tomorrow. We have to go home tomorrow... as planned." anito na tuluyan na ngang napakunot ang noo. Hindi niya napigilan ang bahagyang tumawa sa reaksyon nito.

"What's funny? Are you trying to play games with me again Mendez?" seryoso na nitong tanong na bahagya nang bumangon at sumandal sa headboard ng kama nito. She sighed then sat beside him.

"Relax Ethan. I rescheduled it ... not tomorrow but later this afternoon... just in time for sunset." aniyang nakangiti. Sandaling natigilan ito bago unti unting nawala ang kunot sa noo nito.

"Ok na po ba mahal na hari? Abswelto na po ba ako?" pang aasar niya dito. Napailing iling ito bago pinisil ang ilong niya.

"Hindi mo kasi sinabi agad." anito na bahagyang nakangiti na.

"Hindi ka kasi nagtanong." aniya na nagsimula nang tumayo at tinungo ang pinto.

"Bilis———" naputol ang sasabihin niya nang bigla na lang lumanding sa likod niya ang isang malaking unan.

"Ethan ha?" lingon niya dito nang nakasimangot.

Aliw na ngumiti ito sa kanya. Yung ngiti na biglang nagpahinto ng mundo niya at nagpabilis ng tibok ng puso niya. He looked so adorable when he's being playful.

"What? May dumi ba ako sa mukha?" he asked nang mapansing titig na titig siya dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What? May dumi ba ako sa mukha?" he asked nang mapansing titig na titig siya dito.

"Wala." aniya sabay martsa palabas ng kwarto nito. Kailangan niyang dumistansiya muna dito kasi konting konti na lang, tatakbuhin na niya ito para yakapin at pugpugin ng halik.

My Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon