The Clothes

1.3K 58 13
                                    

Sophia's POV

She was hugging him so tight like her life depended on him. She was literally shaking and her heart was still racing. She felt him tighten his hug and she couldn't help but to bury her face on his chest in return. Hindi niya alam kung bakit pero ngayon niya lang naramdaman ang ganitong klaseng comfort mula sa isang simpleng yakap.

Ilang sandali din silang nanatili sa ganoong posisyon, mahigpit na magkayakap na tila kumukuha ng lakas sa isa't isa. Kung hindi pa sila nilapitan ni Mr. Wade hindi pa sila maghihiwalay.

"Congratulations Ethan! Ang galing mo! Tiklop si Nash sa'yo." anito sabay tapik ng balikat ni Ethan.

"Thank you po." sagot ni Ethan matapos siyang pakawalan.

"Here's your prize. Ngayon lang ako nakakolekta ng ganito kalaking pera. Sobrang pinag-uusapan ang karera niyo ni Nash." ani Mr. Wade sabay abot ng makapal na sobre kay Ethan.

"Salamat po Mr. Wade." magalang na sagot ni Ethan matapos abutin ang sobre.

"Salamat saiyo hijo. You just set the bars higher. Siguradong ikaw na ang bagong aabangan dito." ani Mr. Wade.

"This would be Ethan's first and last Mr. Wade." sagot niya bago pa man niya napigilan ang sarili. Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa.

"Oh... that's sad but... we understand." nakangiting sagot ni Mr. Wade pero may halong panunudyo.

"Paano ba yan Ethan? Last mo na daw to." nangingiting baling nito kay Ethan.

"Well, she's the boss." sagot ni Ethan na ikinagulat niya. Napatingin siya dito bigla. He grinned then winked at her that made her heart leap.

"Whew! Mukhang lalanggamin na tayo dito ah." ani Mr. Wade habang umiiling iling.

"Mr. Wade, can I talk to you for a minute?" biglang salita ni Ethan.

"Sure." mabilis na sagot ng matanda.

"I'll be back. This wouldn't take long." baling ni Ethan sa kanya. Napatango na lang siya kahit na nagtataka siya kung ano ang pag-uusapan ng dalawa.

Ilang sandali ding nag-usap ang dalawang lalaki. Nang makabalik, nagulat pa siya nang bigla siyang hawakan ni Ethan sa kamay.

"Let's go." anito sabay hila sa kanya.

"Wait. Where are we going?" nagtatakang tanong niya pagkatapos mabilis na kumaway kay Mr. Wade na nakangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa papalayo.

"We're going home." anito.

"Sandali! Yung sasakyan ko." aniya.

"Mr. Wade will take care of it." anito.

"Ha?" aniya habang hila hila pa rin nito. Nalilito siya sa mga sagot nito.

Napadaan sila sa harap ng mga nanunuod kanina. They were all cheering and calling Ethan's name pero parang walang naririnig ang binata.

"Hey! They are calling you! Don't be a snob." saway niya dito. She heard him sigh then saw him waved and flashed a smile at the crowd. Nataon pa talaga na nasa harap na sila ng isang grupo ng mga kababaihan. She heard them gasped and squeal dahil sa sobrang kilig.

Hey! He's mine!

Oopppsss... saan galing yan Sophia? He's not yours... ayan ka na naman.

Pero parang bingi na nga yata siya sa mga warning na isinisigaw ng isip niya kasi nang mapansin niyang mukhang lalapit sa kanila ang mga kababaihan, mabilis siyang kumapit sa bisig ni Ethan at nagkunwaring nanghihina.

My Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon