The Promise

1.7K 90 85
                                    

Ethan's POV

It's been a week since the bet happened. Ngayon niya na kailangang bayaran ang pagkatalo niya sa pustahan nila ng dalaga. She asked for a weekend getaway with him. Hindi niya pa alam kung ano ang gagawin at kung saan sila pupunta. Ito na raw ang bahala. She even gave him a few days off mula sa kakulitan nito para daw ma miss niya ito. And it's strange on his part kasi sa ilang araw na hindi nito pangungulit, totoong namiss niya ito.

"Where are we going?" he asked habang sakay sila ng sasakyan nito. May kasama silang driver since both of them are minors.

"Just leave it to me baby." anito sabay kindat sa kanya. Sandali siyang napapanganga.

The girl is really something.

Nagulat pa siyang nang bigla na lang itong tumawa. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.

"You should've seen your face. Hindi ka ba sanay na may kumikindat at tumatawag sayo na baby?" anito habang tumatawa pa rin.

He didn't respond. Balewala kunwari na ibinaling  niya ang tingin sa bintana ng sasakyan para itago ang amusement dito.

"Suplado." narinig niyang bulong nito. Lihim siyang napangiti. She should know when to shut up.

"You're not a housekeeper." aniya matapos ang ilang sandaling pananahimik.

"We own the hotel." anito na ikinalingon niya. She's busy scanning her phone. Did he hear it right?

"You what?" hindi makapaniwalang tanong niya. She sighed then rolled her eyes.

"I said, we own the hotel. I mean, our family owns it." anito matapos ibulsa ang cellphone.

"I see." aniya.

That explains everything...

"We're here!" biglang anunsiyo nito at nauna nang bumaba ng sasakyan. She looked excited.

He looked outside the window. It's a Kart Racing Park. Bigla niyang na miss mag-go kart. Yun ang bonding at hobby nila ni Darren since they became teenagers. He had to admit, he felt a little excitement nang makita ang lugar.

Nagulat siya nang bigla na lang katukin ni Sophia ang bintana ng sasakyan, asking him to get out of the car. He sighed before he went out.

"Kuya, magtetext na lang po ako pag tapos na kami." anito sa driver nila na mabilis namang tumango.

"Let's go." anito sabay hila ng kamay niya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito.

She's running like a kid. Pinagtitinginan sila ng mga tao. They would look at both them first then bababa sa magkahugpong nilang kamay. He tried to free his hand from her pero ayaw nitong pakawalan. Hindi sa ayaw niyang hawakan siya nito. He just didn't like the electricity he's feeling. Nakukuryente siya sa hawak nito na never pa niyang naramdaman sa kahit na kanino sa buong buhay niya. With Nica, it was always the feeling of comfort.

Don't go there man...

Sophia's POV

She's smiling while walking towards Ethan's kart. She just won over him! Sigurado siyang nakasimangot na naman ito at hindi nga siya nagkamali.

"What the hell was that?" nakakunot-noo nitong sita sa kanya matapos tanggalin ang helmet nito.

"Kart racing." she said like stating the obvious.

My Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon