The Sunset

1.1K 48 17
                                    

Ethan's POV

He's mad at her. She's the most hard-headed woman he ever known. Akala niya hindi na nito ipipilit ang gusto nito kasi hindi na nito ulit inungkat sa kanya ang topic. They even had a great dinner the other night. She looked happy and contented. Alam niyang may katigasan ang ulo nito pero hindi talaga niya ini-expect na aalis ito ng walang paalam.

It's 5AM in the morning when Lolo Manuel called him, informing him that Sophia's now in the airport and her flight to Dubai was at 6:10AM. Biglang lumipad lahat ng antok niya sa katawan, to think na past 2AM na siya nakauwi. He had a few bottles of beer with his investors last night.

It was the fastest hour of his life. In 30 minutes, nakaligo at naka-empake na siya. Lolo Manuel was the one who arranged everything. Tinawagan nito ang airline at mabilis siyang nai-book sa mismong flight ni Sophia. 10 minutes before 6, nakarating na siya sa airport. Buti na lang at hindi punuan ang flight at may ibang passengers na late na din nakarating. He was able to catch it, just in time.

He couldn't help but feel mad at her. She should have informed him that despite his refusal, she would still push through. Eh di sana, nakapagdesisyon na lang din siya na samahan ito. Hindi niya naman kasi ito kayang tiisin. Hindi niya hahayaang mag-isa itong tatalon mula sa eroplano.

They were currently accompanied by the bellboy papunta sa suite nila. He tried his very best na hindi ito lingunin para maramdaman nito na hindi niya nagustuhan ang ginawa nito.

Ilang sandali pa, narating na nila ang VIP Suite where they would stay for 2 nights. The suite looked like a condo. It had its own living room and mini kitchen. May dalawang rooms din na may kanya kanyang comfort room.

"Here's you key card sir. Enjoy your stay. Have a great day." anang bellboy matapos maipasok lahat ng gamit nila.

"Thank you." aniya matapos abutin dito ang key card.

Nauna nang pumasok si Sophia. Busy ito sa pag-tingin ng kabuuan ng kwarto. Tahimik niyang dinala ang maleta nito sa kwarto na para dito. Tapos isinunod niya yung maleta niya sa sariling kwarto. She's still busy looking through the crystal wall of the suite. Hinawi nito ang kurtina at tahimik na pinagmasdan ang magandang view ng lugar.

"Alam mo, dito sana ako magbo-book kaso puno na daw. How did you manage to get a VIP Suite?" she asked. He could tell that she's trying to lighten up his mood.

"Lolo Manuel." tipid niyang sagot sabay upo sa sofa. Wala sa sarili niyang hinilot hilot ang ulo na kanina pa sumasakit. Marahil dahil sa kulang sa tulog kaya bahagyang kumikirot ang sentido niya. Dagdagan pa ng light hangover although hindi naman talaga siya nalasing kagabi.

Sophia's POV

She suddenly felt guilty. She could tell na sobrang pagod si Ethan. Alam niyang busy ito sa negosyong itatayo nito at alam din niya na kasama nito ang mga investors nitong uminom kagabi. Kaya nga malakas ang loob niya na umalis nang araw na yun kasi ang akala niya, late na ito magigising. Hindi niya alam kung paano nito nalamang aalis siya.

She slowly sat beside him. Nakayuko ito habang mahinang hinihilot ang sentido. She sighed then slowly took his hands away from his head.  She guided his head on her lap, making him lie down the sofa. Marahang ipinatong niya ang ulo nito sa kandungan niya at sinimulang i-massage ang sentido nito.

Nakahinga siya nang maluwag nang hindi ito tumutol. He even closed his eyes and gave in to her hands that are slowly massaging his head. She felt him relax. Bahagyang napaungol pa ito nang bahagya niyang diinan ang mga daliri.

Ilang sandali pa, ramdam na niya ang banayad na paghinga nito, palatandaan na tulog na ito. Marahang hinaplos niya ang noo at mukha nito. He looked like a sleeping angel. Napaka-amo ng mukha nito pag natutulog. Hindi niya napigilan ang halikan ito sa noo.

My Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon