The Girlfriend

854 31 24
                                    

Sophia's POV

"Hija, how's TMH?" tanong ng Lolo niya habang nag-aalmusal sila. Dumating ito kahapon galing Bacolod.

"It's fine Lo." matamlay at wala sa sariling tugon niya. Naiisip pa rin niya ang mga sinabi ni Nica.

"How about you apo? Are you ok?" nag-aalalang tanong nito. She looked up and smiled at him faintly.

"I'm ok Lo. I can still handle TMH. So far, wala naman akong nagiging problema." aniya sabay buntong hininga.

"I'm not talking about how you're handling TMH hija. I'm talking about you." seryosong turan ng lolo niya na tuluyan na nga sinalubong ang mga mata niya.

"I-I don't know Lo. I think, I'm ok. I will be ok." aniya dito pero bakit pakiramdam niya mas sarili niya ang kinukumbinsi niya kesa sa lolo niya. Ginagap ng lolo niya ang kamay niya.

"It's been almost 9 months apo. Are you still not considering a second opinion?" nag-aalalang tanong nito. Binawi niya ang kamay dito.

"Bakit pa Lo? I'm perfectly ok. There's nothing unusual with me. I can still move normally. See?" aniyang tumayo at nagpa-ikot ikot. Tahimik lang siyang pinapanuod ng lolo niya.

"I even got to skydive the last time." aniya. She sat back then held her lolo's hand.

"I'm fine so don't worry about me." aniya.

Ayaw na ayaw niyang nag-aalala ang Lolo niya. He's one of the most important persons in her life. She's willing to give him everything tulad ng pagbibigay nito ng sobra sobrang pagmamahal sa kanya mula nang maulila siya.

"I hope you really are apo. Please don't keep it to yourself. We can always fly to Canada anytime you want. Your Tita Gin is just waiting for you to come. She's willing to help you." anito.

"I told you, I'm fine. Your granddaughter is strong like a cow." aniya sabay kindat dito just lighten up his mood. Ilang sandali din siyang tinitigan nito bago ito napabuntong hininga.

"Alright, just promise me that if everything's starting to get out of hand, sasabihan mo ako ha? Promise me apo." seryoso nitong turan.

"Y-yes Lolo." aniya sabay yuko. Hindi niya kayang salubungin ang nag-aalalang tingin nito.

Ethan's POV

He missed her! Ilang araw na silang hindi nagkikita ni Sophia. They were both busy. Siya, sa bago niyang restobar at ito naman sa TMH. They were constant in exchanging calls and text messages pero iba pa rin pag magkasama sila.

Tomorrow is their 5th month of being together. Isang buwan na lang matatapos na ang 6 months na pinag-usapan nila but he's not bothered at all. He knew he has done enough to make her stay. He could feel her sincere love for him kahit hindi ito nagsasabi ng "I love you" sa kanya. Alam niya na may espesyal na espasyo na siya sa puso ng dalaga.

"Mind if I join you?" biglang salita ng kung sino sa likod niya. He's currently sitting at the bar section.

It's the same girl na gabi gabi nasa bar niya. Ilang ulit na rin niya itong nakita pero hindi niya alam ang pangalan nito. Mabilis itong naupo sa tabi niya kahit hindi pa man siya nakakasagot.

"You're Ethan, right? I'm Tracy." anito sabay lahad ng palad nito.

"Ethan." aniya sabay tanggap ng palad nito. Ayaw naman niyang maging rude lalo na at siya ang may-ari ng bar.

"You're restobar is becoming my favorite spot. I like the ambiance especially the food." anito sa nang-aakit na tinig matapos bitiwan ang kamay niya.

My Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon