Chapter 9

248 10 1
                                    




Chapter 9





Blue's POV

Mmm.. sino iyun? Natutulog ako ng mahimbing nang may maramdaman akong may tumutusok sa pisngi ko.

"Mmmm!" Nagtalukbong ako ng kumot

"Mm, sige bahala ka diyan maiiwan ka.."

Don't tell me...

Dumilat na ako at nagtanggal ng talukbong.

"Mom! Dad!" Yinakap ko sila ng mahigpit dahil miss na miss ko na sila😊

"Mom, Dad, bakit nga po pala nandito kayo?"

"Bakit ayaw mo ba kami dito?"-Mom

"Hindi naman po sa ganun, biglaan naman po kasi."

"One week nga lang talaga kami dito at kaya ka namin ginising dahil aalis tayo. Kaya sige na! Mag-ayos ka na dahil sigurado ay isang oras iyan."

"Dad naman.." nakanguso kong saad

"Hahahahaha! Bakit totoo naman eh! Hahaha! Sige na nak.."

Yinakap ko pa ulit sila bago mag-ayus ng 'isang oras' daw.

Pagkatapos kong maligo ay may nakita akong damit na nakapatong sa kama ko, isang off-shoulder na kulay black at white shorts. Rineady ito ni Mom sigurado.

Sinuot ko na yung damit at tsaka bumaba.

"Woh? Himala! 47 minutes lang ang tinagal mo! Hahahaha! Congrats! Record breaking hahahahahah—aray!" Binatukan ko si Kuya dahil sa ka-epalan niya.

"Kahit kelan epal ka noh? Tsaka talagang inorasan mo pa ako?"

"Syempre hehehe!"

"Tumigil na nga kayo, kahit kelan talaga kayong dalawa. Tara na habang maaga pa." Pag-awat samin ni Mom

"Eh saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko

"Sa Resto-park dun sa *****." Sagot ni Dad

"Restaurant na may park?"

"Yup, at siguradong magugustuhan niyo ang lugar na iyon lalo na at maganda ang panahon ngayon."

Paglabas namin ng bahay ay napatingin ako sa langit. Tama si Dad maganda nga ang panahon, maulap at natatakpan nito ang araw pero hindi naman makulimlim na parang uulan, kumbaga parang nasa middle lang ganun!

Matagal-tagal ang naging byahe namin kaya umidlip muna ako.





Nathan's POV

"Ma naman, huwag ng pabebe saan nga tayo pupunta?"

"Batang ka, ang daldal mo! Daig mo pa ang babae! Kaya wala ka paring girlfriend eh! Umamin ka nga Nat? Bakla ka? Ok lang sakin Nat, tanggap kita kahit ano ka man."

"Ma naman! Huwag mo na akong tawaging Nat! Tan nalang! Tsaka hindi ako bakla, may crush na nga ako eh nyehehehe!"

Kasalukuyang nagda-drive ngayon si Mama sa hindi ko parin alam kung saan. Palagi akong inaasar ni Mama na bakla ako dahil NGSB ako. Tss, ewan ko ba pero wala talaga akong nagustuhan noon kahit napaka-gwapo ko, pero ngayon nag-iba na hehehe!

"Owemgi! Seryoso ka anak? Lalaki ba o babae?"

"Ma naman! Syempre babae.!"

"Hehe! Naniniguro lang. Kelan ko ba siya mami-meet? Hihihi!"

"Ma crush ko lang."

"Ayiieee ang Baby Nat-nat ko nagbibinata na! Hahahaha! Ano palang pangalan?" Bakit ba gustong-gusto niya ang Nat? Eh para naman kasing pambata. 😣

Rule No. 1: Don't Fall in Love Again (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon