Chapter 21: Intramurals Part 1

100 4 0
                                    

Chapter 21: Intramurals Part 1

Blue's POV

20 minutes. Kaya pa! Binitbit ko na ang gitara at iba kong gamit at bumaba na. Nadatnan ko naman sina Ate at Kuya na paligo palang.

"Oh? Bakit ang aga mo?" Tanong ni Kuya sa akin.

"Magpa-practice pa kami para sa battle of the banda diba? Usapan namin 6:45."

Yung simula kasi ng program ay 7:30 kaya kasya na yung mag-start kami ng 6:45. Wait...

"Kuya nasaan nga pala si Kuya Roger?"

Napansin ko lang na parang kami lang nina Ate at Kuya ang nasa bahay sina Mom at Dad ay bumalik na kagabi lang dahil kailangan na daw sila sa companya. Nakakalungkot nga eh biglaan ang alis nila. Tapos nasaktuhan naman na si Nanay Luz ay may sakit ang anak niya at kailangang isugod sa hospital, eh kailangan niyang alagaan ang anak niya kaya wala siya ngayon dito. Ok lang naman kasi marunong naman kami nina Ate sa gawaing bahay ewan ko lang kay Kuya.

"Si Kuya Roger? Di ko ba nasabi kagabi sa iyo na halos isang linggo siyang mawawala dahil kailangan siya sa probinsya nila? Mag—"

"Bakit hindi mo agad sinabi?!"

"Sorry naman nakalimutan ko hehe." Napakamot pa siya sa ulo niya habang ako ay namomroblema.

"Eh paano ako papasok? Ang dami kong dala tapos hindi pa ako marunong mag-commute dahil ayaw mo akong turuang mag-commute!" Grabe! Umagang umaga stress na ako yokona!

Bumalik na sa taas si Kuya at napaupo nalang ako. 15 minutes! Paano na yan? Shetehhh! Nandoon na kaya si Nat? Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ko sa contacts si Nat. Nagdalawang isip pa ako kung tatawagan ko ba siya o hindi. Aist! Bahala na! Basta makapag-practice dahil kapag di ako nakapag-last minute practice sa mga ganitong bagay ay baka magkamali ako mamaya sa performance. Vocalist pamo ako.

"Hello Bam?"

"Nasa school ka na?"

"Huh? Hindi pa paalis palang kami ng Mama ko. Dami kasing gamit eh bakit?"

"A-ano... huwag muna kayong u-umalis." Mabilis kong sabi dahil ewan ko ba pero nahihiya ako. Kainis kasi si Kuya.

"Bakit miss mo na ba ako? Hahaha?"

"Baliw. Pasabay ako wala driver namin. Di ako makapasok, madami rin akong dala." Pinilit kong i-ayos ang ang tono. Nakakahiya peste!

"Ok! On the way na kami. Just wait for your prince!" Pagka-end call ay parang nagsisisi na ako ihhhhh shet!

Bahala na mas ok na ito kaysa walang practice diba? Tsk! Umupo muna ako sa sofa at maya-maya lang ay may bumusina galing sa labas. Bubuksan ko na sana yung pinto nang bigla na itong bumukas at dire-diretsong pumasok si Nat.

"Ito ba mga gamit mo?" Tanong niya habang ako ay naka-tayo parin dito, shock.

Una dahil sa pagpasok niya na feel at home talaga. Pangalawa s-sa itsura niya. Naka-ayos ang buhok, may konting eyeliner kaya fierce siyang tignan. Ganyan kasi theme ng band namin, ako mamaya nalang ako mag-aayos. Pero siya talaga... ang gwapo niyang tignan.

Rule No. 1: Don't Fall in Love Again (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon