Chapter 36

8 1 1
                                    

Si Kuya Harb nasa multimedia ☺️


Chapter 36


Ron's POV

Sa wakas sem break na! Sabado ngayon at kahapon ang last day namin.

Grabe! Halos tumaas mga scores ko sa periodical, iba talaga si Kylie hehe!

Kahit sem break ngayon ay di naman kami nalungkot ni Kylie kasi sinigurado ko sa kaniyang dadalaw ako sa kaniya minsan. Sweet diba? Iba kapag inlove.

"Thyrone! Bilisan mo diyan oras na!"

"Opo Ma!"

Ngayon din pala namin susunduin Kuya ko galing London. Nag-tatrabaho siya sa London, nurse siya. Hanep noh? Nabroken-hearted tapos nagtrabaho sa London.

"Ikaw pinaka-excited sa amin pero ikaw rin naman mabagal."

"Sorry na pa! Grabe kayo sa akin!"

Sumakay na kami sa sasakyan at bumiyahe papuntang airport.

Dalawa lang kaming magkapatid, si kuya ko na si Harb Raldon, at ako. Hanggang ngayon hindi namin alam ni Kuya kung bakit Harb pangalan niya, ang wierd talaga eh!

Kanina rin nabanggit ko na nabroken-hearted tapos nagtrabaho sa London. Totoo yun! Siya pa nga nakipag-break pero siya rin nasaktan. Tapos sa mismong anniversary pa nila. Ewan ko sa kaniya! Hindi niya parin kinekwento ng maayos. Tapos sina Mama at Papa naman sinasabi nila hayaan ko daw yung tao, huwag ko daw pilitin.

Magkaibigan nga Kuya ko tsaka kuya ni Tan eh. Isa pa iyon! Alam ko nagka-girlfriend din iyon dati eh! Tapos hindi ko na alam ang nangyari sa kanila, pati si Tan.

Kaya pala magkaibigan sila psh!

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa airport. Pumunta agad kami sa waiting area kung saan namin sasalubungin si Kuya.

"Harb!"

Napatingin ako sa tinatawag ni Mama. Nandito na si Kuya!

"Kuya Harb!" Sigaw ko habang kumakaway.

"Yow!" Nangmakalapit siya ay nakipag-fist bomb siya sa akin at yinakap naman siya ni Mama.

"Harb, tumaba ka ah?" Tanong ni Papa.

"Pa! Hindi ako tumaba! Nagka-muscle ako oh!" Sagot ni Kuya habang pinapakita ang braso niya.

Oo nga noh? Tsk! Kailangan ko na rin mag-workout.

"Oh Ron? Inggit ka?" Tanong niya sa akin habang naka-ngisi.

"Ha! Hindi noh! Atlis may gf! Hahahaha!"

Alam na pala nina Mama at Papa ang tungkol sa amin ni Kylie. Sinabi ko agad nung sinagot na niya ako. Pero si Kuya ngayon lang malalaman hehe!

Balak kong ipakilala ng pormal si Kylie sa kanila sa debut ni Ate Yel. Tutal magkikita-kita naman kaming lahat doon.

"Ooohh! Kailan ko makikilala iyan?" Tanong niya.

"Sa debut ni Ate Yel."

"Ah! Yung kambal ni Red?"

"Oo."

"Tara na, 11:40 na mag-lunch na tayo." Pag-yaya ni Papa sa amin.

"Oo nga, bibili pa tayo ng mga isusuot niyo sa debut ni Yel." Dagdag ni Mama.

Excited na akong ipakilala si Kylie. Ipapakita ko kay Kuya kung gaano kaganda gf ko mwahahaa! Mainggit siya!


Blue's POV

Rule No. 1: Don't Fall in Love Again (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon