Chapter 23: Intramurals part 3

90 2 1
                                    

Chapter 23: Intramurals Part 3

Blue's POV

"Blue tapos na!" Napatingin ako kina Lia at Kylie. Nagpunta kasi silang dedication booth eh nag-sona pa ata sila dahil ang tagal nila.

"Ano iyon sona?" Natatawa kong tanong

"Nuba! Walang basagan ng trip! Leggo na sa Payakap Ni Red! Hahaha!"-Kylie

"Excited ka lang kay Ron haha!"- Lia

"Halatang walang maisip na booth sina Kuya hahah!" iiling kong sabi habang nag-lalakad kami

"Buti nalang hindi mo namana takbo ng isip nun."

"Anong hindi Lia? Baka nakakalimutan mo ang totoong kulay ng Asul hahaha!"-Kylie

"Heluu!" Nagulat ako nang sumulpot bigla si Dale.

"Ano ka? Kabute?"

"Epaaall Kylieee~"

"Che!"

"Pupunta ka rin sa booth nina kuya? Bakit? Chachancing ka?"tanong ko kay Dale pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Hinahanap ko si Ate, baka sakaling nandito iyon eh patay na patay iyon sa Kuya mo eh." Sagot ni Dale

"Ohh nambubuking ka ah?" Tatango-tango kong sabi

"ATTENTION SA LAHAT NG MGA KABABAIHAN AT FEELING MGA BABAE RITO SA LOOB!" Napatingin kami sa loob dahil sa sumigaw. May babaeng naka-tayo  sa upuan, wait si Ate Aleks ba iyon? Napatingin ako kay Dale at nanlalaki ang mga mata niya.

"Watdaef?!"nadinig ko mula sa kanya.

Napatingin at napatigil naman ang lahat ng tao doon dahil kay Ate Aleks

"MANIWALA KAYO'T SA HINDI, NARINIG KONG PINAG-UUSAP NINA NATHAN AT THYRONE..." sabay turo sa kina Nat at Ron na nasa may parang mini-counter "...NA ANG MGA PERA NA NAIPON NILA AY GAGAMITIN LANG NILA PANG-BAR AT PAMBILI NG MGA BABAE!"

Anong—?! Ano kayang kalokohan ang ginawa ng dalawang iyon at nagwawala si Ate Aleks? Napasinghap at nag-bulungan ang iba dahil doon. Kung sakaling maniniwala nga sila doon... edi sira na image nila? Hehehe! Ok ang bad ko.

"KUNG AKO SA INYO GET YOUR MONEY BACK NA! YAK PAKBOI!" Iyon na ang huli niyang sinabi at umalis na kasama ang kaibigan niya siguro.

"NO... SINA NATHAN AT THYRONE?! WHY?!"

"G-grabe... i kennat..."

"T-teka?! Nasaan na iyong mga iyon?!"

"H-huh?! Sino?"

"Gaga! Sina Nathan at Thyrone!"

"Loko ka! Ron anong ginawa niyo?!" Pabulong na saway ni Kylie kay Ron

"I-itago niyo kami!" Paki-usap ni Nat sa amin.

"Ha! Ayun sila Girls!!"

Hindi ko alam kung dala ba ito ng biglang taranta o ano pero hinila ko agad si Nat papalayo.

(A/n: Maganda siguro ito kung may backround music na Run by BTS 😂)

Rule No. 1: Don't Fall in Love Again (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon