Chapter 37

5 1 0
                                    

Chapter 37


Blue's POV

"Alis na ako!" Paalam ko habang sinusuot ang sapatos ko.

"Sige ingat ka. Ah! Yung mga invitation dala mo?" Tanong ni Ate.

"Oo nandito na."

"Woy! Aalis ka na? Nandiyan na ba si Tan? W-woy! Saan ka pupunta sandali!" Hindi ko na pinansin si Kuya na nasa taas pa at lumabas na ng bahay.

Aalis ako kahit wala si Nat. Bahala sila. Una akong pupunta kina Lia pagkatapos kina Kylie at uuwi na ako. Tinignan ko ang oras sa relo ko. 9:15 A.M. Wala pa naman sigurado si Nat.

"Oh? Saan ka pupunta?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko iyon.

Kainis!

"Hehe! Akala mo matatakasan mo ako?" Naka-ngising tanong niya sa akin habang tumabi sa akin sakay ang e-bike niya.

"Hays! Buti nalang inagahan ko!"

"Ako nalang kasi, malaki na ako. Bakit kasi ang kulit niyo?" Nakakunot-noo kong tanong sa kaniya.

"Ikaw rin, bakit ang kulit mo? Binilin ka sa akin ni Cap kaya hindi kita pwedeng hayaan. Alam mo kasi..." sabi niya at linapit ang mukha niya sa akin kaya umatras ako, "nangako rin kasi ako kay Cap at kapag nangako ako hindi ko hahayaang hindi ko magawa iyon." Naka-ngising sabi niya sa akin.

Tss... hindi naman lahat ng pangako natutupad.

Nagulat ako nang isuot niya sa akin ang helmet.

"Anong—"

"Safety first! Sakay na." Sabi niya at tinuro ang likod niya.

Wala na akong nagawa kung hindi sumakay. Bahala na.

"Eh ikaw bakit wala kang helmet?" Tanong ko.

"Isa lang helmet ko eh hehe!" Napailing nalang ako sa sinagot niya.

Buti nalang magkahiwalay ang upuan niya at ang upuan ko kung hindi ay kailangan ko pang kumapit sa kaniya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa gate. Pinarada niya ang e-bike niya sa tabi ng guard house at linock ito.

"Tara na."

Sumunod ako sa kaniya at nag-antay kami ng jeep. Maya-maya lang ay may dumating ng jeep at sumakay na kami.

"Magkano sa Aspire?" Tanong ko kay Nat.

"8 pesos, ako na—"

"Hayaan mo akong magbayad, 8 pesos lang naman. Tsaka sinamahan mo na ako." Pagpilit ko sa kaniya at binigyan siya ng 8 pesos.

"Oke~"

Tahimik lang kaming parehas.

"Usog ka doon." Narinig kong utos niya sa akin.

"Ha?"

"Usog ka doon sa dulo." Kahit nalilito ay umusog nalang ako sa dulo kung saan malapit sa babaan.

Tinignan ko siya at nakakunot ang noo niya. Problema nito?

"Para po." Hindi ko napansin na nakarating na kami.

Tss... buti nakang kasama ko ito.

Wala kaming problema sa pag-pasok sa subdivision dahil kilala na ako rito. Naglakad lang din kami dahil walking distance ang bahay nina Lia dito hindi tulad ng sa amin na nasa dulo pa ata.

"Bakit pina-usog mo ako kanina?" Tanong ko kay Nat habang naglalakad kami.

"Yung mga lalaki na kaharap natin kanina pinipicturan ka."

Rule No. 1: Don't Fall in Love Again (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon