Chapter 14

176 11 17
                                    

Chapter 14

Blue's POV

5 minutes nalang at magsta-start na ang klase namin pero wala parin si Dale. Hindi kaya maga-absent siya? Ihhhh! Huwag sana!

After 2 minutes ay dumating na rin si Dale habang naka-simangot.

"Ih! Blue! Ayoko na! Ayoko na ng may kapatid! Alam mo daw, naka-kain, naka-bihis at lahat na ako pero yung Ate ko tsaka si Brent hindi pa tapos! Tapos na ako't lahat pero sila wala pa! Hind mo malaman kung nalulunod na ba sila doon sa banyo o ano?! Tapos kapag nagreklamo naman ako sila pa magagalit nakakainis! Kapag ako nagkaroon ng sariling kotse iiwan ko sila! Bahala sila sa buhay nila! Gumigising ako ng maaga para makapasok ng maaga pero sila naman ang kupad-kupad! Ih! Nakakainis! Ihh!!!"

😶-Me is so na-speechless
😡😤- he is so na-beast mode

"H-hehe!  G-ganyan talaga.." ang nasabi ko nalang at sakto naman na dumating na si Ma'am at nag-start na ang klase.

*break

"Grabe! Di namin alam ang i-rereact doon sa wrong send niya na super SPG lalo na at sa GC pa namin kung nasaan si Sir! Bwahahahaha! Walang nagchat noon tapos bigla niya nalang rinemoved si Sir hahahahahahaha! Makapag-wrong send ba naman ng 'sige Baby ko, next week nalang, patapusin mo muna regla mo. 😘😊 i can wait.' Tae talaga iyun bwhahahahaha! Kaya ayun kanina nag-usap sila Sir pero di namin alam kung ano pinag-usapan nila. Hahahhahahaha!" Tawa lang kami ng tawa ni Lia habang kinekwento niya yung wrong send ng kaklase nila. Saklap nun! Hahaha! Pero kadiri.

Pansin ko lang parang tahimik si Kylie ah?

"Wuy!" Tawag ko kay Kylie

"H-ha?"-Kylie

"Lalim niyan ah? Share mo naman."-ako

"Oo nga! Baka mabusog pa ako."-Lia

Seriously? Nag-palit ba ng personality sina Lia at Kylie?

Bigla namang namula si Kylie. Luh! Alam ko na ito!

"Anong nangyari sa inyo ni Ron?" Diretsong tanong ko kay Kylie na ikinalaki ng mata niya.

"M-manghuhula ka ba?!" Nagkibit-balikat lang ako

"A-ano kasi... sige na nga!"

Kylie's POV

*flashback

6:00 a.m. Pero wala pa rin talaga sina Lia at Blue. Ako talaga ang dakilang early bird sa kanila.

Naglalakad ako papunta sa building namin nang may tumabi sa akin na nag-pahinto ng mundo ko.. Shet! OA mo Kylie! Tumigil ka nga!

"Aga ah? May assignment kang hindi nagawa noh?"-Ron

"Wala kaming assignment. Maaga talaga akong pumasok. Eh ikaw bakit maaga ka?"

"A-ah ano kasi—"

"GOODMORNING BABY RON KO!!!"

Si Nicolette ito ah? Classmate ko. Wait ano daw?! Baby Ron ko?!

Tumakbo siya papunta kay Ron at pumulupot sa braso niya habang naka-ngiting aso. Psh!

"Aga mo naman Baby ko? Gusto mo agad akong makita noh? Hihihi!"

Psh! Asa ka!

"A-ano maaga talaga ako hehehe!"tumango-tango naman si Nicolette sa sinagot ni Ron hanggang sa mapatingin siya sa akin. Agad namang tumaas ang kanang kilay niya pero ngumiti naman siya ng may pagkaplastik.

Rule No. 1: Don't Fall in Love Again (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon