Chapter 33

7 1 3
                                    

Yes buhay pa po ako :")

Chapter 33



Blue's POV

"Madami-dami mga tao ah? Hanap muna tayo upuan" Sabi ni Ate Yel pagpasok namin.

"Ayun doon!" Sabi ni Ron tsaka tumakbo sa bakanteng mesa.

Kumuha naman ako ng isang upuan dahil pang-apat lang ang mesa, lima kami eh.

"Kayo mag-bantay..." Sabay turo ni Ate sa amin ni Kuya "...kami oorder ah? Bye!" Tsaka niya hinala paalis sina Nat at Ron.

Umupo na ako sa mesa namin at ganun na rin si Kuya na umupo sa harap ko.

Sa totoo lang ayoko itong sitwasyon namin pero kasi,  naaalala ko iyong nangyari eh. Halata naman na sinadya nilang iwan kaming dalawa ni Kuya para mag-usap.

Tahimik lang kami at pinag-lalaruan ko lang ang mga daliri ko.

"Kamusta test niyo kanina?" Napa-tingin ako kay Kuya pero nag-iwas din ako nang makitang naka-tingin din siya.

"Ayus lang." Tipid kong sagot sabay kamot sa likod ng tenga ko.

Ilang segundo muna ang nakalipas bago siya mag-salita ulit.

"Nakapag-review ka ba ng maayos?" Tanong niya ng medyo mahina na parang naga-alinlangan pa.

"Oo, ang pangit naman kung hindi ako nag-review ng maayos pero ako rin nag-pupumilit sayo diba?" Sagot ko tsaka tumawa ng mahina at yumuko.

"Sorry." Mahina kong sambit.

Tumingala ako ng dahan-dahan at nakita ko ang gulat niyang mukha.

"B-bakit ka nagso-sorry?" Tanong niya.

"I crossed the line. Naging insensitive ako sa iyo." Napa-kamot sa ulo si Kuya sa sagot ko.

"Diba ako dapat magso-sorry? Ako yung may nasabi sa iyo eh."

"Pero hindi mo masasabi yun kung hindi dahil sakin."

Ilang segundo kami nag-titigan bago matawa ng mahina.

"Nagsi-sisihan nalang tayo." Natatawang sabi ni Kuya.

"Oo nga eh." Sagot ko.

"Alam mo bang kating-kati na akong mag-salita kanina pero hindi ko magawa dahil sayo?"

"So kasalanan ko?" Tanong ko naman.

"Oo." Pabirong sagot niya.

Tingnan mo kami, parang ewan na hindi kumikibo kanina pero ngayon nagtatawanan na. Isa pa patatagalin pa ba namin ito, kami na nga lang magda-damayan mag-aaway pa?

"Hindi kita matiis noh? Kawawa ka naman kasi kung wala kang maka-usap." Banat niya.

"Ang sabihin mo wala ka lang maloko." Sagot ko.

"May naisip ako." Bigla niyang sabi tsaka lumapit sa akin

"Pustahan kalakohan iyan." Kumunot-noo niya dahil sa sinabi ko.

"Hindi! Grabe ka! Kasi ganito kunwari hindi pa tayo bati hehehe! Huwag parin tayo magpansinan."

Sabi na kalokohan eh.

Tinitigan ko muna siya bago sumagot.

"Wala ka talagang magawa noh? Sige kawawa ka naman pag-bigyan ang broken-hearted." Nagka-ngisi kong sagot.

"Tss! Padating na sila! Act normal." Sabi niya tsaka umayos at nag-poker face.

Bwisit muntik na akong matawa sa itsura niya.

Rule No. 1: Don't Fall in Love Again (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon