Chapter 31

11 2 1
                                    

Chapter 31


Yel's POV

Dali-dali akong bumaba pagkatunog ng doorbell namin. Wrong timing naman itong sina Tan! Pag-bukas ko ng pinto ay tumambad nga sa akin ang dalawang unggoy na babatiin sana ako pero pinutol ko na.

"Wrong timing kayo!" Pagkasabi ko nun ay iniwan ko sila at bumalik sa taas.

Nakita kong lumabas ng kwarto ni Red si Blue.

"Blue!" Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin at dumeretso sa kwarto niya.

Napabuntong-hininga nalang ako bago bumaba. Ok na iyon na tapos na kaysa nagsasagutan sila hanggang ngayon.

"Ate Yel! Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Tan.

"Wala, nagkagulo, nag-away sina Red at Blue, lintik kasi si Red! Ahhh! Ayoko na!" Nasabi ko nalang tsaka pumunta sa backyard namin para tawagan si Raf.

Ok lang iyan Yel... woooohhh chillax lang.

"Yes babe?"

"Ay putik!" Nagulat ako nang marinig ko si Raf. Nakalimutan kong tinawagan ko pala siya.

"Hahahaha! Anong ginagawa mo at nagulat ka?"

"Ihh kasi naman nagka-issue dito." Pagsusumbong ko sa kaniya.

"Issue?" Dahil doon ay kinwento ko ang mga nangyari kanina.

"Tsk, tsk, malamang naasar na kay Red dahil ang tigas ng ulo lalo na at madaling mabwisit yun." Pagtukoy niya kay Blue.

"Nas-stress na ako, hindi ko alam gagawin ko, alam mo naman ako mahina pagdating sa mga ganitong sitwasyon."

"Hmm, ganito gawin mo, sa sitwasyon mo ikaw ang nasa gitna, bali parang ikaw ang parang referee nila. Kausapin mo sila, alamin mo ang side nila pagkatapos noon ay malalaman mo ang pede mong gawin." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Raf. Kapag talaga sa mga bagay na mahina ako eh, siya ang nagbibigay lakas sakin.

"Thank you Raf."

"Hahaha! Anything for you my lady." Natawa ako sa naging sagot niya maya-maya ay narinig kong tinatawag siya ng Mama niya.

"Ahh Yel sorry pero mamaya nalang ha? Nagpapasama kasi si Mama umalis."

"Ok lang sige, baka mag-tampo iyan na mas pinapansin mo ako hahaha!"

"Sige bye! Love you!"

"Love you too." Pigil ngiti kong sagot bago ibaba ang tawag.

Ok chill ka muna Yel. Sa ngayon asikasuhin mo muna sina Tan at Ron.

Pagpasok so sa loob ay nadatnan ko ang dalawa na naka-upo sa sala.

"Ano ng gagawin niyo ngayon?" Tanong ko sa dalawa.

"Ehh, ano bang nangyari sa dalawa?" Tanong ni Tan habang kamot ang ulo niya.

"Tss! Nagkasagutan. Etong si Blue kasi pinipilit na ideretso ang utak nitong isa eh itong isa naman broken-hearted kaya nagmatigas tapos ayun!" Sagot ko.

"Sino nga pala kasi nakaisip na pumunta rito?" Dagdag ko.

"Si Ron." Sagot agad ni Tan

"Ehh, gusto ko lang kamustahin si Cap." Sagot naman ni Ron habang kanit ang ulo.

Luh nagkahawaan na ng kuto.

"Sige mauna na kami Ate Yel." Paalam ni Tan

"Ehh paano si Cap?"

"Ako ng bahala Ron sige na! Mag-review na kayo." Sgaot ko

"Oo nga Ron para sagutin ka na ni Kylie hahaha!"

Pagkatapos nun ay nawala na sila.

Ano na? Si Red o si Blue? Pula o Asul?

Doon muna tayo sa broken-hearted! Umakyat ako at dumeretso sa kwarto ni Red. Hindi naman niya eto linock kaya nakapasok ako agad.

"Red." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako liningon.

"Baka gusto mong kumain?" Tanong ko pero ikinagulat ko ang biglang pagtayo niya.

So kung ako nagtanong kanina eh walang mangyayaring away?!

Ilang segundo akong napako sa kinatatayuan ko bago ako sumunod sa kanya sa baba.

Pagbaba ko ay nakita kong kumukuha siya ng plato at umupo na sa mesa para kumain.

Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang napapaisip ako kung anong kaluluwa ang sumanib sa kambal ko.

"Nawalan na ako ng syota at Asul baka mawalan pa ako ng Dilaw." Nagulat nanaman ako nang magsalita siya.

Umupo naman ako sa harap niya habang patuloy siyang kumakain. Mukhang medyo natauhan siya kanina ah?

"Bakit naman kasi umabot sa ganun?" Tanong ko.

"Wala eh na-bobo na ako. Hindi ako nagiisip." Mapait niyang sagot.

"Pero aaminin ko may point ka, pero hindi maganda yung sitwasyon para sabihin mo iyon sa kanya. Kahit ako rin naman ganun ang naramdaman ko kay Blue noon. Pero kasi ginamit mo iyon para ilabas sama ng loob mo." Sagot ko habang pilit na iniingatan ang mga salitang sinasabi ko.

Hindi na siya sumagot at tinapos na ang pag-kain niya. Pagkatapos niyang ligpitin ang pinagkainan niya ay umakyat na siya at sumunod naman ako.

"Huwag na kayong mag-alala sa akin. Ako ng bahala sa sarili ko. Pipilitin ko ring mag-review." Sabi niya nang nasa tapat na siya ng kwarto niya.

"Red." Pinigilan ko siyang pumasok sa kwarto.

"Kung lalapit man kami sa iyo, huwag mo sana kaming pagtabuyan. Natural na nag-aalala kami sayo. Tingnan mo nga sarili mo mukha kang bangkay. Eh kung hindi pa kayo magsasagutan ni Blue eh baka nga magpapakamatay ka na sa gutom. Oo masakit nga pero sana intindihin mo na ang pag-aalala namin ay para sa sarili mo." Tango lang ang binigay niyang tugon bago siya pumasok.

Phew! Ngayon si Blue naman.

Bakit kasi dalawa kapatid ko!?

"Blue?" Kumatok ako sa pinto niya pero wala akong narinig na tugon.

Baka mamaya ay siya naman ang naglalasing ah?

"Blue?" Kumatok ulit ako pero this time may narinig akong tugon.

"Meow."

Bwisit buti pa yung pusa.

Chineck ko ang door knob niya at hindi naman pala naka-lock. Bobo Yel.

Dahan-dahan akong sumilip at nakita kong nakatalikod na nakahiga si Blue habang katabi niya si Eveready.

"Meow." Napatingin ako sa pusa at ewan ko pero parang ang lungkot ng mata niya. Ano iyon alam niya nangyayari?

Umupo ako sa tabi ni Blue at nakita kong naka-earphones siya habang nagyu-youtube.

Tinanggal ko ang isang earphone na nakasuksok sa tenga niya at hindi naman siya umangal. Eh baka kasi salita ako ng salita rito tapos hindi naman niya ako naririnig.

"Kanina—" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla itong umupo at tinanggal ang earphones niya.

"Ganoon din ba ang naramdaman mo noon?" Tanong niya gamit ang malamig na boses.

"H-huh?" Kanina pa ako nagugulat sa dalawang ito ah?!

"Noong ganoon din ang sitwasyon ko, ganoon rin ba ang naramdaman mo gaya ng sinabi ni Kuya kanina?" Tanong niya ulit.

"Blue... aaminin ko oo pero tapos na iyon. Pero, lahat naman nahihirapan kapag nakikita niyang nahihirapan ang taong mahal niya diba? Bata ka pa nun Blue at sobrang nag-alala kami. Hindi namin alam kung paano mo ihahandle ang mga ganoon sitwasyon." Iyon na lang ang nasagot ko at hindi na siya nagsalita pagkatapos.

Nakayuko lang sya at pinaglalaruan ang kumit niya. Hinayaan ko nalang siya at umalis sa kwarto niya. Alam kong gusto niya munang mapag-isa at mag-isip.

Hayss... ako naman ngayon ang mag-isa.

-😘-

SHET OO NAG-UPDATE AKO GULAT KAYO NOH? HHAHAHA AKO RIN EH!

SO AYUN BUHAY PA AKO HAPPY TWO YEARS LOL 🎉🎉🎉

Rule No. 1: Don't Fall in Love Again (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon