boomer say 10 <3

739 24 2
                                    

Bakit isa lang ang kama dito ?

"Hoy Karl. Bakit isa lang ang kama dito? "

"Aba malay ko. Bakit natatakot ka ba sakin? " sabay smirked niya,

" Bakit naman ako sayo matatakot? Parehas lang naman tayong lalaki! Ang inaalala ko baka malikot kang matulog. Kaya dun ka sa Sofa matulog. ok? " sabi ko.

"Anong sa Sofa ako matutulog? Ikaw ang matulog dun kung ayaw mo akong katabi. Baka nga ikaw ang malikot matulog? " sabi niya.

Nganga ako sa sinabi niya. As in? Pinapatulog niya ako sa Sofa? Malikot daw akong matulog? Ever pa akong natulog sa sofa. Nakakainis.

"Hoy Karl . Walang magagawa kong magtatalo tayo. Ok na sakin na magkatabi tayo. Pero once na Likutin mo ako habang natutulog dun ka sa sofa. At kung ako naman ang maglilikot dun din ako sa sofa, Deal? " Sabi ko.

"Ok Deal." sabi ni karl.

Nagpaalam siya sakin na mag sho-shower siya. Ako naman naghahanda na matulog dahil sobrang pagod na ako.

Pinikit ko ba ang mata ko. Naramdaman ko na lang ang pag higa niya sa likod ko at doon natulog na ako ng mahimbing.

KINABUKASAN

Tinanghali na ako ng gising at wala na sa tabi ko si karl.

Siguro pumasok na siya sa trabaho niya.

Tumayo na ako at pumuntang kusina at nakita ko si karl na Naka Topless nagluluto at nakita niya ako sabay bati niya saking "Good Morning Misis"  Sabay smirked niya.

Ano daw MISIS ? Nagulat ako kasi akala ko may trabaho siya. Namula ata boung Mukha ko sa sinabi niya ahh. Nakakainis. At napatitig ako sa abs niya. Halah! Nako. Tskk. Kainis. Nakita niya na nakatingin ako sa abs niya. Kaya nag iwas ako ng tingin.

" Anong Misis misis? huh? " sabay duro ka sakanya.

"Relax lang dyan Shamy. Hahaha. Binibiro lang kita ang aga aga ang sungit mo. Meron kaba? Hahaha."

"Anong Meron?" sabi ko huh?

"Wala Never mind. Hahaha. Kumain kana at Aalis tayo."

"Saan tayo pupunta?" sabi ko habang umuupo at sinisimulan kumain. Hindi parin ako sakanya tumitingin kasi nga baka sabihin niya na may pagnanasa ako sakanya.tsk.

"Basta kumain kana lang diyan wag ng maraming tanong. " sabi niya. Abahh ang sungit ahh kanina Goodvibes ngayon Badtrip. Ang moody naman nito. Tskk.

Tinapos ko na ang Pagkain ko at naligo na kami. Oopps. Paalala hindi kami sabay naligo. Dalawa ang banyo dito sa condo namin . Isa sa may Kusina at isa sa kwarto. Pagkatapos kung namin maligo ay pumunta na kami sa parking lot.

Walang kumikibo saming dalawa hanggang sa makapunta na kami sa kotse niya at pumasok. Pinaandar niya na ang kotse niya .

Habang bumabyahe kame ay binasag ko na ang katahimikan.

"San ba talaga tayo pupunta Karl. Sabihin mo nga sakin. " sabi ko.

" shhhh " yan lang ang sagot niya kainis. Pinukpok ko siya ng Bottled water .

"San ba kasi tayo pupunta ahh? " habang pinopokpok ko siya.

"Aray shamy tama na. Masakit. " sabi niya.

" Ehhh . Sabihin mo nga kung san tayo pupunta." sabi ko

"Gusto mo talaga malaman? " sabay smirked niya.

" Oo nga. " sabi ko.

" Aayusin na natin yung KASAL natin Misis." sabi niya.

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Namula ata ako ahh. Tskkk. Hindi ko na lang siya sinagot.

--------------

Hey. Ikli? Next ud haba habaan ko. ok :'p

Follow Comment Share Vote are Alloweds.

Finding My Lover (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon