boomer say 14 <3

502 21 6
                                    

Natulog akong hindi ko alam ang Nararamdaman ko at tumutulo ang aking luha sa mga Pisngi ko. Feeling ko ang sama sama ko. Wala na akong magandang ginawa sa buhay ko.

Nagsasaya lang naman ako dahil alam kong malapit rin naman akong mamatay. Nalaman ko rin kay dad na hindi alam ni Karl ang aking sakit ko. Dahil ang alam ni karl ay kailangan ko ng katulong magpatakbo ng aming kumpanya dahil hindi ako seryoso sa aming kumpanya which is not true.

Sinabihan ako ni dad na wag ko ng sabihin kay Karl ang Sakit ko dahil baka maka apekto ito sa kanya sa pagpapatakbo ng aming kumpanya.

Bago ako lumabas ng kwarto ay nag hilamos muna ako. Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Karl na natutulog sa Sofa.

Pinagmasdan ko ang itsura niya. Napakagwapo niya at napaka Manly tingnan dahil sa kanyang mabalahibong binti at mga muscles sa Braso. Tulog na tulog siya sa sofa kaya napag isipan kong ipagluto siya ng Breakfast.

Nagluto ako ng Hotdog,Bacon,Tocino at Fillet dahil hindi ko alam ang gusto niya'ng kainin pag umaga.

Pagkatapos kong magluto ay tulog parin si Karl. Inayos ko na ang lamesa at nauna ng mag almusal sakanya dahil bibisita ako ngayon kay Mommy dahil namimiss niya na daw ako.

Pagkatapos kong mag almusal ay naligo na ako. Hindi parin gising si Karl pagkaligo ko. Nagbihis na ako at naghanda na dahil pupunta na ako kila mommy.

Pagkalabas ko ng pintuan namin ay may naalala akong gawin. Mag iiwan muna ako ng note sa Ref dahil baka hanapin niya na naman ako at magalit ulit siya sakin.

"Karl pumunta muna ako kila mommy. Namimiss na kasi ako ni mommy ehh. Hindi na kita ginising kasi ang sarap ata ng tulog mo. hehe. Nagluto na ako ng almusal kumain ka nalang dyan hah?. Uuwi rin ako kaagad. Bye Karl "

Umalis na ako ng condo at pumunta na kila mommy.

Pagdating ko sa bahay namin ay Biglang sumalubong sakin si Boomer yung alaga kong aso. Haha. Nakakamiss tong Asong to. Dalhin ko kaya to sa Condo ?

"Oh Dior nandyan kana pala.' Pumasok kana at sumabay samin ng Mommy mo mag Almusal." Dad said.

"Ok dad. Susunod na ako" sabi ko. Binaba ko na si Boomer at pumunta na ako kung nasaan sila Mom at Dad.

" Dior. I miss you . Bakit ngayon mo lang kami dinalaw? Namiss kita ng sobra Anak." Mom said. Yinakap niya ako kiniss sa cheeks.

Namiss ko rin sila. I miss Mom. I miss Dad and also Boomer. Nakakamiss rin pala sila noh.

"Oh. Kumain kana dior. Damihan mo ang kain. Ako lahat nagluto niyan." Mom said.

"Oo naman mom. Basta luto mo. Haha" I said.

"Dior kumusta pala si Karl? Bakit hindi pala siya sumama sayo? Alam ko walang siyang Trabaho ngayon? Dahil naka leave nga siya ng 1Month para sa kasal niyo" Dad said. Yeah Kasal Namin.

"Ahhm. Dad pagod po ata siya kagabi. Pagkaalis ko kasi sa bahay Tulog pa siya ehh." I said habang kumakain ako.

"Bakit siya pagod Dior? Gumawa naba kayo ng Apo namin ng Mommy mo?" Dad. Nagulat ako sa sinabi ni Daddy. Alam kung namula ang aking Mukha. Aish.

"Dad. " Sabi ko. Tumawa naman si Dad at sinabayan pa ni mommy.

"Maiba tayo Dior. Next week na ang Operasyon mo at pupunta tayo ng Amerika. Wag mo ng sabihan si karl about this para hindi naman siya mapagod. Alam ko na magiging sucssessful ang operasyon mo. Kaya habang maaga pa mag isip ka na ng paraan kung paano ka makapagpapa-alam sakanya. Do you understand me Dior?" Dad said. Nag Nod nalang ako bilang pag sang'ayon ko.

Habang kumakain kami ay bigla kong narinig ang boses ni karl sa Sala. Nagulat ako.

"Dior? Where is Dior? Nandito ba siya Manang.?" Narinig kong tanong niya kay Manang.

"Opo ser. Kumakain po siya kasama ang mga magulang niya." Manang.

Bigla siyang pumasok kung saan kami kumakain. Sout niya pa ang sout niya kagabi at gulo gulo pa ang buhok niya. Siguro bagong gising palang ito.

"Dior Bakit hindi mo ako ginising? Sana sinamahan kita dito.! "

"EHEM" Dad said.

"Good Morning po pala Tito at Tita" Karl said. "Magusap tayo mamaya" Pabulong niyang sabi. Nag nod nalang ako.

Nagkamustahan lang sila Dad at Karl about sa Company at ako tahimik lang na nakikinig. Si mommy naman ay pumasok na sa School dahil siya nga ang President ng School.

Pagkatapos nilang mag kwentuhan ay inaya na ako ni karl na umuwi.

Habang nasa Kotse kami ni karl ay kinausap niya na ako.

"Bakit hindi mo ko ginising kanina? May kasama kaba kanina? " sabi niya.

" Nakita ko kasing tulog na tulog ka at hindi na kita inisturbo. Baka kasi maistorbo kita. At wala akong kasama ako lang." sabi ko.

"Ano? Kailan ka pa sakin naging Disturbo Dior? Kahit kailan hindi ka sakin magiging disturbo Dior. Tandaan mo yan." Pasigaw niyang sabi sakin.

Nagulat naman ako sa Ekspresyon niya. Hindi ko inaakala na magiging ganun ang ekspresyon niya. Naging tahimik lang sa loob ng kotse at walang gustong magsalita samin. Natatakot na ako kay karl.

Hindi ko na lang alam bigla nalang akong humihikbi dahil sa takot sa kanya.

Bigla niyang br'break yung kotse at ginilid sa gilid ng kalsada.

"Oh. Sorry baby. Bakit ka umiiyak ? Wag ka ng umiyak. Sorry baby. tahan na. Sorry talaga. Sorry. Plaese wag ka ng umiyak. Nasasaktan ako." Nakita ko sa mga mata niya kung pano siya nasaktan parang sinisisi niya ang sarili niya.

"Natatakot ako sayo karl. Sorry kung lumabas ako kahapon na hindi nagpapa alam sayo. Sorry rin kong hindi kita ginising. Sorry." sabi ko habang lumuluha ang aking mata.

"Pssshh. Wag ka saking matakot baby. Ok na. Hindi na kita sisigawan. Sorry baby. Wag ka saking matakot hah? Natatakot lang ako na mawala ka sakin. Hindi ko alam kong bakit. Pero Mahal na kita Dior. At dahil sa pagmamahal na yon gusto kong lahat ng bagay sayo alam ko. Gusto ko lagi kitang kasama baby. Mahal na Mahal kita Dior. Please wag ka ng umiyak." sabi niya. Tumigil narin ako sa pag iyak habang nakayakap sakanya.

"Uuwi na tayo Dior hah? Magpahinga ka na sa condo sasamahan kita doon." sabi niya

Nakauwi na kami sa condo at dumiretso kami sa kama. Yinakap niya ang bewang ko at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Sorry talaga Dior. Hindi na mauulit. Wag kana sakin matakot hah? Dito ka lang sa tabi ko hah. Wag kang aalis sakin. Mahal na Mahal kita." Sabi niya. Naliwanagan ako. Kaya naman pala siya nagagalit sakin dahil hindi ko siya sinasabihan sa mga ginagawa ko at dahil don kaya siya nag aalala.

Ang problema ko nalang kung pano ko sasabihin ang pag- alis ko next week sakanya dahil mag papaopera na pala ako. Hindi ko alam ang gagawin dahil baka pag umalis na naman ako ay magalit na naman siya. Ayaw ko na siyang masaktan pero kailangan kong umalis para gumaling na ako.

Sorry Karl.

*

Hooo. Update na. haha. Keep supporting me guys! Salamat.

Follow me. Vote and Comment please.

Finding My Lover (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon