Nandito ako ngayon sa Harapan ni Mom at Dad naghihintay sa Desisyon nila.
"Dior-anak, Next week pa ang Operation mo. Bawal naman nating padaliin ang mga Doctor doon dahil pinaghahandaan nila ng mabuti yung operasyon. They want na magiging successful ang operation. And anak, baka naman malungkot si Karl sa Condo kasi Isa lang siya doon diba?" Mom said and Dad's add-
"Dior ano nga pala ang sinabi mo kay karl, baka magtaka yun? Dahil 1 week kang mawawala. Remember walang alam si Karl sa sakit mo." Dad.
Bakit pa kasi Next week ang Operation ko? Ayoko ng bumalik sa Condo dahil wala naman doon si Karl. Hindi nga yata alam ni Mom at Dad na may Relationship sa iba si Karl. Tss. "Okay" lang ang naging sagot ko kila Mom at Dad at umalis doon.
Nandito ako ngayon sa Ace's Bar. Umiinom. Gusto ko magpalamig ng ulo at mag Relax. Ang dami dami kong problema, Una kung kailan kung natutunan na mahalin si Karl then Mawawala siya. Damn this Life. Wala naba akong karapatan maging Normal at Masaya? Bakit ba nangyayari to sakin? I Hate my Life.
"Sir mukhang Problemado ah?" sabi ng isang Waiter dito. May Itsura siya.
"Ahh. Oo ehh, Pano mo nalaman? Siguro manghuhula ka no? Haha." sabi ko sa Waiter. Lasing na ako.
"Eh tingnan niyo po oh 1 case na ng Alak ang naubos niyo. Hahaha. Hindi yan sir ang sulosyon. Magiging ok rin ang lahat sir." sabi ng waiter dito at umalis na.
Sana maging ok nga lahat. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Sana nga. Pero kailangan kung uminom, para man lang makalimot kahit isang gabi lang.
Habang umiinom ako ay feel ko na Nahihilo ako. Uggghh. Shit bat ngayon pa?
"Pre. Lakas mong-
Everything turns to BLACK.
Bill Mitsu POV.
Simula nung kaguluhan na naganap sa Condo ay lagi na akong tumatambay dito sa Ace's Bar and ayoko rin na umuwi dahil nahihiya ako kay Dior. Nadamay pa siya sa Problema ko.
Lagi akong Umiinom, Chill at Nangba'babae . Bakit ba kasi hanggang ngayon napakainit parin ng ulo sakin ni Karl? Hindi pa ba siya nakaka-move on? 1 year na ahh. Nakapag-sorry naman ako kay Alaura sa kasalanan ko and Magkaibigan lang kami ni Alaura. Alam kung hindi madaling patawarin ang kasalanan ko pero napatawad naman ako ni Alaura.
Habang umiinom ako ay may nakakuha ng Attention ko. Isang lalaking nakatalikod na nakaubos ng 1 case ng Alak.
Linapitan ko ito at tinapik ko sa braso.
"Pre. Lakas mong--" Shit. Shit. Anong nangyari dito? Bat nahimatay to? Binuhat ko ito at inupo.
HAH? SI DIOR? Bat ba to umiinom.? Inom ng Inom hindi naman kaya. Isang case pa ah. Haha. Inayos ko ito ng upo at humihinga ito. Nagulat ako ng Humilik ito. Natawa ako kasi akala ko nahimatay to pero nakatulog lang pala. Haha.
Pinabayaan ko muna siya sa upuan niya at uminom muna ako. Tiningnan ko sa Dior. Bakit kaya uminom to? Siguro nag-away sila ni Karl nung Nangyari yung gulo. Linapitan ko ang mukha nito at linapit ko ang labi ko sa labi niya pero hindi ko tinuloy. Mali. Mali ito. Tss. Kung ako kay Karl hindi ko na to pakakawalan. Eh ang bait kaya nito at napakagaan sa loob pag kasama ito. Laking kawalan kay Karl pag nawala sakanya to. Tss.
Pagkatapos kong uminom ay Aalis na sana ako ng maalala ko si Dior. Aakayin ko sana ito sa braso pero parang mapuputol ito.? Bat ba ang payat nito? Tss.
Binuhat ko ito at napakagaan. Kumakain ba to? Parang Isang kilo lang ah. Haha. Joke.
Sinakay ko to sa kotse ko pero pagkasay ko dito ay bigla nitong kinabig ang ulo ko at halikan. Una di ako maka responce dahil sa gulat pero dala rin ng Alak at lasing narin ako ay hinalikan ko rin ito.
Pumasok ako sa kotse at pinatong ko siya sakin. Palitan lang kami ng palitan ng halik.
"Hmmm.... Hmmm.... KARL." Pagkatapos niyang sambitin ang pangalan ni karl ay bumagsak ito sakin. Psssh.
Inayos ko ito ng upo at pinaandar kona ang kotse ko sa Condo. Hahatid ko lang ito si Dior doon sa Condo niya at Aalis na ako.
Habang papunta ako sa Condo ay hindi ko naisip na gagawin ko yun kay Dior na gagantihan ko siya ng Halik. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Nakarating na kami at binuhat ko si Dior. Tumaas kami gamit ang Elevator. Natatawa nalang ako kasi wala parin itong tigil sa pag-hilik. Nang bumakas ang Elevator ay lumabas ako at tinungo ko ang condo ni Dior. Nakita kong nakatayo si Karl dun at napalingon samin su Karl. Kita mo sa mga mata nito ang pag kainis.
Karl Navarro's POV.
Badtrip!! kanina pa ako naghihintay kay Dior pero wala parin siya.! Nawala lang ako ng Dalawang Araw at Alis na yata siya ng Alis. Sh*t. Hindi ko rin masagot ang tawag niya dahil nasira. Nasuntok yata ni Bill yung phone ko. Ayun pinaayos ko. Hindi ko rin alam no. ni Dior. Tss.
Lumabas ako ng pintuan at doon ko si Dior Hinintay.
1 Hour....
1 1/2 Hour .....
2 Hour ......
Hinga Karl, Darating rin yun. Walang siyang ginagawa. Inamin niyang mahal ka niya.
Noong sinabi sakin ni Dior na Mahal niya ako ay Hindi ko alam ang naramdaman ko naghahalo-halo. Aaminin ko sa una hindi naging madali ang Desisyon ko na mag pakasal kay Dior dahil alam kung hindi na magiging Normal ang Buhay ko. Pero naisip ko gusto kung subukan wala naman saking mawawala. And may mga successful rin na Gay/Lesbian Merriage.
Nung nakita ko si Dior sa Family Dinner ay uminit ang ulo ko dito dahil siya yung Lalaking nakahalik sakin ng unang pagkakataon at pina-sorry niya pa ako eh siya yung kay kasalanan kay uminit lalo yung ulo ko sakanya.
Habang naa-alala ko yun ay may narinig akong naglalakad at tiningnan ko ito.
Fuck! Si Bill na binubuhat si Dior na parang lasing. Naiinis na talaga ako dito kay Bill. Hindi ko yan kayang pakisamahan ng mabuti at mainit ang ulo ko dyan pagkatapos niyan saktan si Alaura sa tingin niya na kaibigan ko pa siya? Manigas siya!
Lumapit ako kay Bill at walang kaano-ano ay kinuha ko si Dior sa ng Kamay niya.
"Umalis ka na Pare dito kung ayaw mong Masaktan. Salamat pala sa paghatid kay Dior!" Sabi ko kay Bill at Umalis ito.
Pinasok ko si Dior sa loob at pinalitan ko ng Damit. Ano bang Problema nito at umiinom ito?
HUMANDA KA SAKIN DIOR BUKAS!
*
UPDATED.
Next update is KARL X ALAURA X BILL. Past. Abangan.
HAPPY HAPPY 8K Reads :) Hindi ko aakalain na aabot sa ganto ang Read nito. Sa una palang ay hindi ko talaga sana ito seseryosohin pero nung nakikita kung may mga naghihintay ng Chapter ko ay Nasiyahan ako. Hayaab niyo at papagandahin ko pa ito. :))
Keep Supporting Guys! Thanks.
Votes and Comment guys! Reaction? Para malaman ko kung nagustuhan niyo. :)
Please Vote and Comment guys! Thanks!
-Redlove19
![](https://img.wattpad.com/cover/11357230-288-k819929.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding My Lover (boyxboy)
RomanceForever may not exist in this world. But true love? Yes, it exist. Finding your lover is hard, but when Cupid strikes you, good luck! Shamy Dior and Karl Navarro love story.