Nagising nalang ako na nandito sa kwarto namin ni Karl. Tumayo ako at nakita ko siyang pumasok sa kwarto namin.
"Dior wag ka munang tatayo. Mahiga ka muna." Sabay pagpapahiga niya ulit sakin sa kama. Nakita ko sa mga mata niya kung paano siya nag-aalala sakin.
"May masakit pa ba sayo Dior? Sorry. Hindi ko naman alam na hindi mo kakayanin yung ginawa natin kagabi na Alam mona" Nakita kong namula yung Tenga niya. Hindi siya sakin makatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Okay na ako Karl. Wag ka ng mag alala. Okay lang. Bakit pala namumula yung tenga mo ?" Tanong ko sakanya. Bigla siyang nag iwas ulit ng tingin sakin. At tumayo na siya.
"Aish. Wag mo ng pansinin yan." Sabi niya.Nakita ko namula ulit yung tenga niya.
"Ahh. Okay" Sabi ko. Nakita kong kinuha niya yung gamot dun sa mini table at pina-inom niya ako.
"Ahh. Dior aalis mona pala ako hah. Mag-grocery lang ako. At dito ka lang Magpahinga ka hah? " Sabi niya. Nag nod na lang ako bilang pag sang ayon ko.
Umalis na siya at naiwan akong nag iisa dito sa condo. Wala akong magawa. Naboboring ako. Kaya napag pasyahan kong lumabas muna sandali.
Paglabas ko ng pintuan ay saktong may lumabas rin sa katapat naming pintuan. Nag smile siya sakin at nagpakilala.
"Hi. Ako nga pala si Bill Mitsu. Ikaw pala yung bago kong kapit bahay. " Sabi niya habang nakangiti at sinarado niya yung pintuan ng condo niya.
"Hi rin. Ako nga pala si Shamy Dior. Oo bagong lipat nga kami dito. Pero.parang familyar yan name mo? Parang nabasa ko na. nowhere. "sabi ko. Nabasa ko na talaga name niya kaso nakalimutan ko kung saan.
"Wag mo ng Alalanin. Haha. Baka mahilo kapa kakaisip. So bakit ka pala lumabas ng kwarto niyo? Aalis ka ba? or May pupuntahan ? "Sabi ni Bill.
"Actually boring kasi sa loob. Wala akong magawa kaya lalabas nalang lang ako dyan at Magpapahangin " sabi ko.
"So. Tamang tama. Pupunta ako dyan sa malapit na Coffee shop. So? Wanna join?" sabi nya. Wala rin naman akong gagawin kaya nag nod nalang ako.
"So. Halika na. Para na rin makilala ko yung Kapit-Condo ko. Hahaha" Sabi niya. Wagas makatawa.
"Sira. Haha. Halika na nga. Saan ba yun?" Tanong ko sakanya.
Sumakay kami ng Elevator at pumunta sa Parking. Sumakay kami sa kotse niya at pinaandar niya ito. Tahimik lang siyang nag dridrive hanggang sa Makarating kami sa Coffe shop.
"Good Morning po Sir." Bati samin ng Guard at Nag smile nalang ako at Tumango naman si Bill.
"Ah. Dior hanap ka na ng Upuan natin then ako na ang oorder" sabi niya.
"Ito ohh" Sabay labas ko ng wallet ko kaso
"Wag na My Treat. Hehe " Sabi niya.
"Ah. Nakakahiya naman sayo kakakilala palang natin tas" kaso pinutol niya nanaman yung sasabihin ko.
"Okay nga lang Dior.Ako na lang Bahala. Hanap ka ng upuan hah. Please.!" Sabi niya ng nakangiti sakin.
"Ahh Okay?" Naghanap nalang ako ng mauupuan kasi Sabi niya siya na daw bahala. Haha
Nakakita na ako ng mauupuan at umupo na dun. Naghintay lang ako ng saglit at nakita ko si Bill na may hawak ng Tray at umupo nasa harap ko.
"Bakit ka nga pala lumipat ng condo Dior?" Tanong niya
Halah. Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang Lumipat ako ng condo kasi kikilalanin ko yung mapapangasawa kong lalake? Sht. Nakakahiya. Kaya isip isip Dior.
"Dior??" Tawag niya sakin.
"Ahh. Wala lang. Trip ko lang lumipat. Boring kasi sa Bahay ehh" sabi ko. Hahaha. Wala na kasi akong Maisip.
"Reasons? Come on Dior. Bakit kaba talaga lumipat ng Condo? Hindi na ako high school para maniwala dyan sa sasabihin mo Boring na kasi sa bahay niyo kayo lumipat ka. Promise hindi ko sasabihin sa iba." Sabi niya. Okay sasabihin ko na total makikita niya rin naman ata si karl sa condo.
"Ahhm . Kasi kasi si Dad kasi ehh. Pinagkasundo ako sa isang Lalaki . So kaya kami lumipat kasi kailangan namin makilala ang isat-isa." sabi ko. Parang na shock naman siya.
"What? Ikaw ba yung Anak ni Mr. Armando Dior? ng Dior Millenium Company? " Tanong niya. Na Shock parin siya.
"Bakit kilala mo Dad ko? hah? " Tanong ko sakanya. Wait naalala ko na siya. Siya yung isang Nakita ko sa Folder na pagpipilian ko. Pero pinili ko si Karl.
"Wow. Ikaw pala yung Anak ni Mr.Armando.Panong hindi ko makikilala yung dad mo Isa siya sa mga Pinaka sucsessfull businessman sa Industry.So. Sino pala ang napili mo? Hindi ko alam na nakapili kana pala." sabi niya.
"Si Wilfred Karl Navarro." sabi ko.
"Ohhh. Si Wilfred pala. Bakit siya? Gwapo rin naman ako hah? Mayaman,Matalino at Hot. Hahaha. " sabi niya. Wow. Lakas ng Confidence neto ahh. Hahaha.
" Haha. Sige lang buhat ka lang ng sarili mong Banko. Haha. Si karl ang Napili ko kasi Basta. Mahirap i-explain. Hahahaha " Sabi ko sakanya.
Napahaba yung kwentuhan namin sa coffee shop at inabot na kami ng Hapon. Bakit kami inabot ng hapon? Kasi ang sarap niyang ka kwentuhan. Siya rin yung tipong hindi siya nauubusan ng Topic.
Nakwento niya nga pala sakin yung isang pinagkaka-abalahan niya ang Magluto sa Condo niya pag wala siyang Work. Nag aral kasi siya ng Culinary sa U.P kaya marunong siyang Magluto.
Pauwi na sana kami ng condo ng tanungin niya ako kung pwede daw muna kami dumaan sa Mall kasi daw may mga bibilhin lang siya mga kulang na Materials sa Condo niya. Tas mga pwede niyang lutuin sa Condo niya. Nag ok na lang ako kasi wala naman akong gagawin sa Condo.
Inabot na kami ng gabi sa Super Market kasi naman ang dami niyang binili kasi daw ngayon na lang daw siya makakabili kasi off niya ngayon kaya Tinodo todo niya na ang Pamimili.
Pauwi na kami ngayon sa Condo at 8:30 na. Ang dami naming bitbit pataas at nag elevator na kami. Nakarating na kami sa Floir ng mga condo namin at pinasok ko muna yung mga pinamili niya sa condo niya bago ako umuwi ng condo ko.
Nagpasalamat siya sakin at hiningi niya rin yung no. ko kung sakaling wala daw akong ginagawa itxt ko lang daw siya at tuturuan niya daw akong magluto. Binigay ko na lang yung no ko at hiningi ko na rin yung niya.
Bubuksan ko na sana yung pintuan ng condo namin ng biglang mag vibrate yung phone ko.
Tiningnan ko Unknown No.
'Thanks Dior :) Nag Enjoy ako kasama ka. Hanggang sa Uulitin.'
Ah si Bill lang naman pala.
Sinave ko muna yung no niya at pumasok na ako sa condo.
Pag pasok ko ng condo lahat nakasarado na ng ilaw ng may Maalala ako. Halah si Karl nga pala nakalimutan ko. Shete yan.
Pagpasok ko ng kwarto namin nakita ko si karl na natayo malapit sa may pintuan ng CR.
"Saan ka galing?" Ang cold ng boses niya habang nakasandal dun.
"Ah nagpalamig lang dyan sa labas." Omg bakit kinakabahan ako? Shet.
"Ohh? Sino naman ang kasama mo? na NAGPALAMIG? " sabi niya. Ang cold parin ng boses niya.
"Ahh si si Bill" sabi ko. Kinakabahan parin ako ng bigla siyang sumigaw.
"HINDI MO BA ALAM NA MAY NAG-AALA SAYO DITO DIOR? HINDI KO ALAM KONG NASAN KA? HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO.! DIBA SABI KO SAYO NA MAGPAHINGA KA DITO? ANONG GINAWA MO? LUMABAS KA! LUMABAS KA PA TALAGA NA MAY KASAMA AHH. TANG INA DIOR HINDI PA NGA TAYO KINAKASAL DIOR NANGLALAKE KANA? FUCK. " sabay labas niya ng pintuan.
________________________________________________________________________
Hey. After 10 years naka update narin. Yung dalawa ko pang story support niyo rin ahh. Hahaha. Oh siya I need your comment guys!
Give me 10 votes update agad. Hahaha .
Vote Comment and Share are allowed. And follow me guys! Thanks guys!
![](https://img.wattpad.com/cover/11357230-288-k819929.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding My Lover (boyxboy)
RomanceForever may not exist in this world. But true love? Yes, it exist. Finding your lover is hard, but when Cupid strikes you, good luck! Shamy Dior and Karl Navarro love story.