Iniisip ko kung paano.
Paano ba ako magpapatuloy kung mawawala ka
Syempre sasabihin mong "kaya mo yan, ikaw pa?"
Hindi sa lahat ng oras may salitang "kaya ko"
Dahil masasabi ko ring "hindi ko kaya" kapag iiwan mo na ako
Kaya paano?
Paano na ako kung mawawala ka?
Alam ko ngayon na hindi ko kaya
Hinding-hindi ko maka-kaya
Dahil hindi kaya ng puso ko na mawala kaIkaw ang dahilan ng mga pangarap ko
Kaya't gustuhin ko mang sabihing "wag mo kong iwan" ay alam kong napaka laking pagkakamali
Dahil sa kabila ng iyong pag laban ay mayroong sakit na iniiwan
Alam kong balang araw ay iiwan mo ako at hindi na muling babalik pa
Kaya salamat at Mahal kita ina.