written by:
Richelle LobarbioYou can define it like this;
Heart like a ROCK
Smooth like a PAPER
Sharp like a SCISSORMga Pusong nagmamatigas para magpakatotoo
Para sabihin ang totoong gusto.
Iniiwasan ang feelings na mabuo
dahil takot mabigo.
Nagpapanggap na manhid at walang pakialam dahil takot masaktan.
Masaktan ng dahil sa pagmamahal..
Takot ang namamayani para sumubok magmahal..
Magmahal, na handang suungin ang lahat ng hadlang makamit lang.Smooth like a paper..
Yung akala mong lusot kana sa panloloko
dahil hindi kita sa mukha mong manloloko.
Na kasing kinis at linis ng papel mo sa essay ang galing mong sumegway.
Ilan na ba ang iyong naloko?
Kasing dami ba ng panalo sa lotto?
Mahal.. mahal mo ba talaga?
Kung ang sagot mo ay oo.. bakit mo niloloko..
At kung hindi.. bakit mo pa niligawan kung wala ka rin namang pananagutan sa mga salitang pinangako mo.Sharp like a scissor..
Ang mga katotohanan na ayaw mong malaman
dahil ayaw mong masaktan.
Mga katotohanan na kasing talas ng gunting na maaari kang masugatan.
Yung malaman mong may iba na sya..
Yung malaman mong hindi ikaw ang mahal nya..
At para sa mga umaasa pa dyan...😆
Yung hinding-hindi ka magiging crush ng crush mo.
Yung hinding-hindi ka mamahalin ng taong mahal mo.
ANG SAKIT DIBA?Hanggang kailan ipagpapatuloy ang pagmamahal kung ito'y isang ilusyon na lamang
Hanggang kailan makikipaglokohan sa relasyong walang katotohanan
Hanggang kailan matatauhan sa kahibangan
Si Bato na ayaw magmahal dahil takot masaktan..
Si Papel na bumalot ng mga kasinungalingan at panloloko kay bato kaya takot ng masaktan..
Si Gunting na sa kabila ng lahat ay patuloy pa ring lumalaban kahit na nasasaktan...
Ikaw alin ka sakanila?