written by:
Mariah Andrella SaraososNagmamahal, Nasasaktan, Umaasa pero Balewala lang.
Para ito sa mga taong patuloy na nagmamahal,
Pero paulit- ulit na nasasaktan,
Para sa mga umaasang mamahalin sila,
pero BINABALEWALA LANG...
Nag mamahal, ako lang ang nakakaalam.
Ikinulong ko ang sarili ko sa maraming sana,
Na sana ganito tayo,
Sana ako na lang ang para sayo,
Sana ako nalang yung mahal mo,
Sana akin ka,
Sana, sana AKO NALANG...Pinapaniwala ko ang sarili ko na mangyayari ang mga pinapangarap ko,
Yung sabay nating haharapin ang magulong pasikot sikot ng mundo,
Hawak ang aking kamay, at sasabihing "Mahal, ikaw ang titulo ko"
Patuloy kitang minamahal kahit ang layo mo sa tabi ko,
Patuloy kitang minamahal kahit malabo na ang posibilidad na maging tayo,Kahit na siya ang nagpapangiti't nagpapasaya sayo.
Kahit wala akong puwang sa puso mo,
Kahit na minamahal kita, pero paulit-ulit mo din akong nasasaktan,Nasasaktan ako, OO nasasaktan ako,
dahil.. hindi ako siya,
SIYA na prayoridad mo,
Hindi ako yung mahal mo, pero mahal kita,
Kahit hindi ako ang dahilan kung bakit masaya ka.
Nasasaktan ako kase minamahal parin kita, kahit lagi mo na lang akong binabalewala.Kung ako siya,magiging masaya ka kaya?
Kung ako siya, mamahalin mo rin kaya ako tulad ng pagmamahal mo sa kanya?
Ang pinakamagaling na kalaban ko ay SIYA.
Ako na umaasa, pero nababalewala mo lang.
Saksi ang kalawakan sa mga binitawan kong pangako na..HINDI AKO SUSUSKO,
Kahit sa una palang ay talo na ako,
Umaasa ako, kahit alam kong pagdating sa dulo'y..
masasaktan lang din ako..Madaming tanong ang bumabagabag sa kalooban ko
Kung bakit maraming tao na katulad ko, ang nababalewala, kahit wala naman silang alam gawin kundi ang magamahal ng totoo.Mahal,
tama na ang makapanghulog mong salita sa text,
Tama na yung LSM mo sa facebook palagi,
Wag mo na ilibre ng kahit anong paborito ko sa tuwing nagtatampo ako.
Oo nagtatampo ako.
Nagtatampo ako sayo at sa sarili ko
Nagtatampo ako sayo kase ang manhid mo.
Sa sarili ko kase. Ang tanga ko
Kase nahuhulog lang ako lalo.
Tapos sa huli,
Malalaman ko,
Iba pala ang mahal mo,
Wag mo na akong paasahin kung hindi mo rin naman ako sasaluhin,
Wag mo na akong papaasahin sa matatamis mong ngiti,
Kung iba naman talaga ang iyong ninanais makapiling,
Tama na yung napaniwala mo ako,
Pinaasa mo ako,
Minahal ka,
pero sa huli
BINALEWALA mo lang,
BINABALEWALA mo lang,
BALEWALA LANG AKO PARA SAYO,Ang tanong ng karamihan..
"Nagmamahal lang naman ako, pero bakit palagi nalang akong nasasaktan?"Tawag ko sayo'y mahal, pero balik mo saki'y
"Kaibigan, bakit malungkot ka?"Minamahal kong kupido,
Wag mo ng panain ang puso kong palagi mong nililito,
Tama na yung nagmamahal ako mula sa malayo,
Tama na yung nasasaktan, nag durugo ako sa magulong ritmo ng aking puso,
Ako'y nasasaktan at nag durugo, kaya tama na kupido
Tama na yung pinapaasa ko ang sarili ko na ako'y mamahalin niya rin
Tama na yung nabalewala ako ng isang taong akala ko,
AKO'Y MAHAL RIN.
Nagmamahal, ako na maraming sana,
Ako na nagmamahal,nasasaktan, umaasa, pero binabalewala lang.P.S. credits to my classmate who owned this ☺