Pagsuko

42 2 0
                                    

written by:
Michael Bayaras

Sa una'y puno ng saya at tuwa
Pag magkasama ay laging may ngiti sa ating mga mukha
Nariyan pang hatid sundo sa araw-araw
Upang ngiti mong kay ganda ay masilayan at matanaw
At kung minsan ay sabay pang kumain
Upang mga pagod ay pawiin
Diba't ganyan ang pag-ibig sa una ay kay saya
Pagtagal, nandiyan na ang iba't-ibang problema
Mga problemang hindi ma-resolbahan
Problemang kay liit ng dahilan
Problemang laging pinag-aawayan
Walang katapusang problema
Hanggang dumating ang oras na isa sa atin ay bibitaw na
Hindi mo ba naisip na ang mga problema ay isang pagsubok lamang?
Na sa bawat problemang ating malalampasan
Sa ating dalawa dulot ay katatagan
Akala ko'y pag-ibig natin ay wagas
Ngayo'y di inakalang magkakaroon ng wakas
Tila ako ay umasa, na ikaw ang aking tadhana
Tulad ka rin pala ng iba
Tulad din pala tayo ng iba
Sa una lang masaya.
Darating ang araw na tayo ay susuko na.

P.S. credits to my classmate who owned this

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon