"Kamusta ka na?" Yan ang tanging nasabi ko nang muli tayong magkita.
Naalala ko pa noon kung paano kita pagmasdan habang magkahawak ang ating mga kamay..
Noong tayo pa..
Noong hindi kapa ganyan..
Noong hindi pa nagbabago ang lahat..
Iba kana.. ibang-iba kana..
Dati nung tayo pa.. habulin ka ng mga babae
Pero ngayon ay ayaw mo na.Anong nangyari sa mukha mong matipuno ngayon ay puro kuloreteng pambabae?
Sabi mo noon mahal.. mamahalin mo ako at magpapakasal tayo..
Pero bakit ganun tila ba lalaki narin iyong gusto
At sabi mo pa sakin"bet ko yang lipstick mo".
Wala na ba talagang pag-asa?
Pag-asa na pinanghahawakan kong babalik ka sa dating kaanyuan at muling mamahalin ako..
Ako na umaasa at naghihintay sayo.