written by:
Michelle LobarbioNakita kita kung kelan nawawala ako,
Nahanap kita kung kelan hinahanap ko dapat ang sarili ko.
Binubuo kita nung mga panahong durog na durog ako .
Napapatawa kita nung mga panahon na basang basang ang mga panyong nasa mga kamay ko dahil sa mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko, habang nagkukwento ka ng nakaraan mo sa piling ng taong pinaka mamahal mo. ngunit pano naman ako? Pano naman ang nararamdam ko ?At ngayong narito ka.
Narito ka habang umiiyak at nanlulumo dahil iniwan ka nya. Iniwan ka ng babeng pinaka mamahal mo.
pano pa dapat ang maramdam ko? Kung mismong ikaw , mahal . ikaw ay nagmamahal ng iba habang minamahal kita.Nakakatawa dahil naituro ko sayo,
Naituro ko sayo kung pano,
Paano makaalis sa madilim na mundo na kinalalagyan mo noon, pero ako mismo ay di makaalis dito.Sa huli ay napagtanto kong pinili kong sagipin ka sa sakit na iyong nadarama, kesa sagipin ang sarili ko sa pagdurusa. Mapait, mapait na ngiti ang pinakita habang inaalala ko ang pangako sa sariling ikaw muna , bago ako .