"Let's Play"

44 4 0
                                    

written by:
Patricia Cortez

Maglaro tayo
Kunwari pwede pa..
na mahalin mo ulit ako,
na meron paring tayo.
Kunwari may pakialam ka..
tapos ako narito at umaasa.
Kunwari nandyan ka..
at kapiling kita.
Kunwari nariyan ka sa aking tabi at masaya.
Kunwari mahal kita tapos, mahal mo rin ako
Kunwari lahat ng kunwari ay totoo
Kunwari may pupuntahan tong mga ginagawa ko
Kunwari na lang pala lahat, mahal ko..
Andami na nating nalaro
Naalala mo pa yung patintero?
Yung tipong gu-gwardiyahan mo ako, wag lang malayo sayo
E yung piko?
Diba ginawan pa natin ito ng sariling bersyon
Yung magkahawak tayong tatalon at sabay na ihahagis yung pamato
Tapos pati pamato, inihugis natin na parang puso
Pero alam mo ba kung ano paborito ko?
Yun yung taguan.
Yun din yung mga panahon na nagtatago pa ko sayo
Yung mga panahong tinatago ko pa yung nararamaman ko para sayo
Oo, matagal ko iyong itinago.
Pero naisip ko, mas okay pa nga yata kung itinatago
Kasi buti pa noon, walang problema.
Makita lang kita, masaya na..
Pero dahil mukhang nabihag mo akong talaga,
Naglakas ako ng loob at hinarap ka
Di ko makakalimutan yung mga sinabi mo
"Magkaibigan tayo"
Hindi ko alam kung ano ang madarama
Pero nagpatuloy ka pa at sinabing...
"Susubukan ko"
Ang dalawang salita na pinahintulutan akong umasa

Ang mga katagang pinanghawakan ko para mas mahalin ka

Ang mga salitang nabuo ng mga letrang pinagdikit-dikit na akala ko'y pag-ibig.

Pero nagkamali ako.

Nagkamali ako.. dahil ang akala kong pag-ibig ay hindi naman yata totoo.
Masakit isipin na naniwala ako sayo
Masakit.. kasi umasa ako,
kasi akala ko hanggang dulo may patutunguhan ang pag mamahal ko

Masakit.. kasi ikaw pa rin ang minamahal ko

Teka! Teka!
May naalala na naman ako
Isa rin ito sa mga dati na na'ting nilalaro
Papel, Gunting o Bato.
Bato-bato pik nga ito.
Pipili ng isa mula sa tatlo
nang malaman kung sino ang panalo
O sino nga ba ang talo..
Papel.. Ano nga ba ang papel ko sayo?
May papel nga ba talaga ako sa buhay mo?
Kasi kung wala, hayaan mong gamitin ko ang gunting..
Gunting na siyang puputol sa ugnayan natin.
Para naman makalimutan na lang kita. Para naman manahimik na itong puso ko.. Itong puso ko na para ng isang bato.
Dahil hindi na alam ang pakiramdam kapag nababalewala mo.

Ngayon..para sa huling laro
Nais kong makinig kang mabuti sa panuto
Para lang itong tumbang preso
Syempre ako yung preso na hanggang ngayon.. bilanggo pa rin ng pagmamahal.. Pagmamahal ko sayo.
Sana dumating na yung tsinelas na titira sa lata
Yung tipong titilapon at matutumba
Titilapon sa kawalan upang ikaw ay makalimutan
O di kaya'y matumba upang basagin ang nakabi-binging katahimikan..
Mas okay siguro kung iniwan mo na lang ako..
Mas okay siguro kung sinabi mo sa akin na may gusto kang iba..
Mas kaya ko siguro kung ganun na lang ang ginawa mo
Para hindi ako umaasa sa taong wala namang paninindigan sa binitawang pangako.
Pero hindi.
At ngayon ay nabigla ako
Dahil mayroon ng 'KAYO' at nawala na ang pag-asa kong 'TAYO
Hindi ako nakapaghanda
Naging mabilis ang pangyayari at ngayon ang lahat ay wala
Wala ng pag-asa na makita ka pa
Wala ng pag-asa na mapangiti ka pa
Wala ng pag-asa na mahagkan ka pa
Wala ng pag-asa na mahalin ka
Wala na..
Ngayon, kung sasabihin mo sakin na kalimutan ka na, magiging sagot ko ay tanging dalawang salita
"Susubukan ko"

P.S credits to my classmate who owned this ☺

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon