Chapter 1

10 0 0
                                    

"Saan naman tayo tatambay ngayon?" tanong ni Dominic. Nag-isip ako ng lugar kung saan kami makapg-chill and at the same time, makatago mula sa bruha naming first honor na di naman kagandahan, si Sheena. I really paking hate that girl as in ang super annoying niya, kala niya kung sino siyang importante.


Best friends kami dati ng Sheena na yun, or so I thought, kasi nung grade 4 kami, nagka-clash kami. Dun ko narealize, di pala niya ako tinuturing na best friend, alagad lang pala ako. Kaya't ayun, lumipat ako kina Lance at Dominic. Joke lang. Nagkataon lang. Si Sheena kasi, kahit di naman maganda, sikat kasi siya yung di ko mabeat na first honor kaya't tinuturing na siyang reyna ng klase, kasi matalino daw. Daw lang ha. Second pala ako whole elem years while siya ang first. At bakit ako nagkukwento tungkol sa Sheena na iyon? Dahil kahit labag sa kalooban ko, importanteng variable siya sa love story ko, puta naman, oh.


Pero may nakakatawang nangyari talaga kina Sheena at Lance. May gusto kasi tong bruhang ito sa crush ko. Ang nakakatawa, 'tong crush ko, pag nalaman niyang may gusto sa kanya yung tao, iiwasan niya agad unless siguro kung gusto niya. (Kaya inilihim ko na lang na crush ko siya kasi baka iwasan niya ako. TT..TT) Kaya ayun, palagi niyang iniiwasan o di pinapansin ang bruha nung nalaman ma crush pala sa kanya, lololol. Buti nga sa kanya. Super chancing, eh. Ako lang dapat manyansing sa kras ko. Hmpf.


Pero aside from the fact na bruha ang Sheena na iyon, matalino talaga siya. Plano nga niyang mag-take ng super hirap na entrance exam ng isang elite school dito sa Pilipinas, ang Philippine Science High School. Araw-araw palagi niyang ipinagmamalaki na makakapasa siya kasi matalino daw siya, kahit hindi pa nag-umpisa ang exams. Plano ko ring mag-take, di ko palang nasabi.


So balik na tayo, nakatambay kami ngayon sa isang cliff malapit sa dagat dahil hindi kami nakikita dun at relaxing dun kasi mahangin. Tinatawag namin yung secret hideout at kapag may iba kaming kasama, di kami pupunta dun (ibang kasama such as Sheena). Minsan kasi, teka, di minsan, kadalasan kasi nakiki-fourth wheel ang bruha sa'min. Puta naman oh. If all I know, gusto lang talagang makachancing kay Lance. I swear, ang sarap talaga niyang sipain. Ang problema kasi, di namin siya makick-out, kasi kung politics, may kapangyarihan siya ika nga. Kailangan namin ng suporta mula sa masa, lol. Kaya't tinitiis na lang namin o tinataguan namin siya. Kaya't nabuo ang seret hideout.


Nakakatawa talaga kasi may bato dun sa secret hideout namin na tinatawag naming Sheena. Everytime na may grudge kami sa bruha nun, binabato namin yung bato (para bang siya yung binabato namin) lol.


"Uy, ano na naman yung excuse ko?" tanong ni Lance. Kadalasan kasi, pinapagalitan na siya ng nanay niya pag late na siyang umuuwi. At dahil ako ang leader nila at bad influence ako, ako yung gumagawa ng mga rason. Haha.

"Sabihin mo, may project tayo sa Filipino. Sabihin mo groupmates tayo." Sabi. May kapangyarihan din kasi ako at kilala ako ng parents ni Lance.

"Ok. Good. Good." Sabi niya habang nakathumbs up.


Ang sarap ng hangin nun at ang saya ng kwentuhan namin. Kahit epal si Dominic, okay, lang. Naisip ko, ito siguro ang tamang panahon para sabihin ko sa kanila yung binabalak ko.


"Uy, Dominic, Lance." Tawag ko sa kanila.

"Oh?"

"Mag-ta-take pala ako ng entrance exam sa Philippine Science High School." Sabi ko. Dun kasi nag-aaral yung ate ko. "Pag nakapasa ako, edi swerte. It's worth the shot, you know." Sabi ko sa kanila habang ang laki ng ngiti ko.


Tahimik lang silang dalawa. Isang taon na kaming magkakaibigan. Makikita kong lumungkot yung mga mukha nila.


"Lilipat ka?" tanong ni Dominic.

"Haha. Kung makapasa ako. Pag hindi, I'm stuck here. Lol." Sabi ko. "Pero huy, di pa sure kung makapasa talaga ako. Dinig ko, ang hirap ng entrance exam." Sabi ko to cheer them up.

"Makakapasa ka." Sabi ni Lance saka siya tumayo at kinuha yung bag niya. "Madilim na. Uwi na tayo." Alok niya saka siya umuna. Sumunod na lang kami ni Dominic.


Kinabukasan, nalaman na agad ng mga kaklase ko na ta-take ako ng entrance exam. Bilis kumalat ng balita noh? Haha. Sikat, eh, lol. At dahil kaming dalawa ni Sheena ang may balak mag-take, yung mga 'kaibigan' kong babae o kung tawagin natin, mga alagad ni Sheena nagplano ring mag-take, para daw squad goals. The more the merrier daw. Di naman sa nagyayabang ako pero para sa'kin malabo para sa kanilang makapasa. Malabo na nga para sa'kin, pano nalang para sa kanila? Laging sinasabi ng lahat na kaming dalawa lang ni Sheena ang may malaking chance na makapasa.


Isang linggo na nung sinabihan ko sina Lance at Dominic na mag-ta-take ako ng entrance exam. Nasa secret hideout kami as usual.


"Guyz, tingnan niyo. Nakakuha na ako ng form para sa entrance exam." Masayang sabi ko sa kanila habang ipinapakita ko yung form na ibinigay ni ate nung weekend. "Pag may kilala kayong gustong mag-take kagaya ko, hingi lang kayo ng form sa'kin." Dagdag ko.

"Lilipat ka ba talaga? Iiwan mo na ba talaga kami?" tanong ni Dominic.

"Lol, grabe ka Dominic. Di pa nga tayo sure kung makakapasa ako." Sabi ko habang finifill-upan ko yung form. "Kung maswerte lang ako. Hehe."

"Faith." Biglang tawag sa'kin ni Lance. Kanina pa siyang tahimik.

"Oh?"

"Bigyan mo ko." Sabi niya.

"Huh? Bigyan ka ng ano?" tanong ko.

"Bigyan mo ko ng form."

"Anong form? Teka. You mean this form?" tanong ko habang itinaas ko yung application form. Tumango lang siya.

"Haaahh? Weh?" panigurado ko. Nakaabot lang ang kanyang kamoy. "Hindi tunay!"

"Oo nga." Inis na sambit niya.

"Sigurado ka? Mahirap kaya yung exams."

"Ano bang akala mo sa'kin? Bobo? Susubukan ko lang mag-take niyan. Baka suswertehen din ako." Sabi niya.

"Pag nakapasok ka, di ka na makakalabas. Sure ka? Okay ba yung mama mo?" Sabi ko.

"Oh? Hmpf. Tinanong ko na siya." Sabi niya. "Seryoso ako. Mag-ta-take ako ng entrance exam kasama ka." Sabi niya at ang seryoso ng mukha niya.




Lord Almighty! What happened to the world?


----------------------------------------------------------------------------

AUTHOR's NOTE:


Hey fellas! Hope you liked what I'm writing. Imagine Twice Tzuyu as Faith. Nasa media yung pic. I hope you drop your votes and comments before proceeding.


Thanks for all your supports.

Just Another Twisted Love Story (Kpop Fan Fiction) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon