CHAPTER 2
(Warning: ito ata ang chapter na may napakaraming cuss words... yet)
Two weeks na simula nung sinabihan ko sila na mag-tatake ako ng entrance exam. One week na simula nung sinabi ni Lance na mag-tatake din siya ng entrance exam. At ngayon, nasa bahay ako ni Sheena habang nagrereview kami para sa entrance exam, ako si Sheen at si Lance.
Ang original plan lang kasi sana ay ako at si Sheena lang ang mag-rereview. Pero, mukhang nakarinig tong si Lance, sumama nalng. Lol. Edi akward kaming tatlo ngayon. Nakikithird wheel kasi tong si Sheena. Mwehe.
"Try natin tong problem na 'to. Hindi ito naturo sa'tin ni ma'am tsaka paniguradong lalabas ito sa exam." Suggest ko sa kanila sabay pakita ng isang geometric problem ng isang football field. Don't me, ha. Bobo ako sa math. Di kami tinuruan ng geometry ng math teacher namin, lol.
To cut things short, buong maghapon kaming nag-sosolve. Este buong maghapon kaming dalawa ni Sheena nag-sosolve habang si Lance nakatingin lang sa'min. Walang magawa kasi di maalam mag-derive ng formulas. Duda talaga ako kung mag-tatake ba talaga siya o hindi. At dahil nga buong maghapon kaming nag-sosolve, nadudurog na ata itong mga utak namin. Lol. Kaya nag-suggest akong kumain muna kami sa plaza. Ayun, nag-triangle date kami. Joke lang. Kami siguro ni Lance ang nag-date tsaka si Sheena third-wheel, mwehe.
Ngumunguya kami ng tempura habang nakaupo sa isang bench sa may plaza ngayon.
"Hey, do you think makakapasa tayong lahat?" tanong ko sa kanila.
"Hindi." Sagot naman ni Sheena. Puta tong bruha to.
"Ako, sure akong di ako makakapasa." Sabi naman ni Lance. Isa pa to.
"Eh, ulol. Ba't ka pa mag-tatake kung sure ka naman na di ka makakapasa?" tanong ko kay Lance.
"Wala lang. Trip ko lang. Malay mo diba? May himala." Sabi niya with pakinang-kinang mata pa.
Magsasalita pa sana ako nang may biglang tumawag kay Sheena. Sabi niya, pinapauwi na raw siya. Buti nga, kaya't agaran namin siyang pinapauwi. Mwehe. Epal eh.
Nung nakaalis na ang bruha, naging tahimik ang paligid kasi kami lang dalawa. Narealize ko, we never hanged out together on a weekend before. Omo! It's a first.
"Sa totoo lang, may sinusundan ako." Biglang sabi ni Lance. Napatingin naman ako sa kanya nun.
"Sinusundan?" tanong ko. May relatives ba siya sa PISAY? "May ate ka ba dun?" tanong ko pa habang iniisip kung sino yung susundan niya. 4th year yung ate niya sa school namin. Yung bunso niya? Lol. Hello? Imposible yung bunso noh. Kinder pa kaya yun. Stupido mats? Siguro cousin? "Wala ka namang kapatid dun, ah. Sino yung susundan mo dun?"
Tumayo siya saka tumawa. Pinamulsa pa yung kamay niya. "Haha. Secret." Sabi niya sabay wink tapos nagsimula nang maglakad. Impernes, hot ha.
"Hoy, anong secret?" puta may pasecret-secret pala tong unggoy na to. At puta, iniwan ako ng walang hiya. Hinabol ko na lang siya saka umuwi nalng kami. Di niya ako sinagot, puta.
BINABASA MO ANG
Just Another Twisted Love Story (Kpop Fan Fiction) [Ongoing]
Teen FictionMeet Faith, isang simpleng babaeng sinusunod lang ang daloy ng buhay. Ngunit pagdating sa crush niya, panay dasal niya kay Lord na sana baguhin ni Destiny ang kapalaran niya para magkatuluyan sila. Close sila, magbest friends sila, at baka crush nil...