Chapter 3

9 0 0
                                    



CHAPTER 3


8 am, nag-last minute review kami ng mama ko and akalain mo, sa breakfast time ko pa lang nalaman kung paano magsolve ng volume ng isang cylinder? Grabe. So ayun, naiwan ako sa school bus namin. Ihahatid kasi kami ng school bus namin patungong Philippine Science High School kasi supportive, eh.


Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko. Lahat ng reviewer ko, nasagutan ko na, lahat ng novena nadasal ko na, lahat ng misa, nasimba ko na, please lang makapasa ako.


At dahil nga nalate ako, I repeat, naiwan ako ng bus na sinakyan ng mga kasama ko kaya't nagcomute na lang ako. Medyo malayo ang Pisay pero keri na yan.


Matapos ang 30-minute bus ride plus mga 10-minute trycicle ride, nakarating narin ako don. At last, ito na. Kaba, takot, excitement, andami kong nararamdaman ngayon. Mixed emotions kumbaga. Finally kasi, magta-take na kami ng entrance exam, wahhh nakakakaba. Sana madali lang. Binati ako ng mga kaklase kong kasama ko sa pagtatake sa pagbaba ko.


At dahil walang makabuluhang nangyari afterwards at masyadong pang-akademiko, i-sk-skip ko nalang sa part na tapos na kaming mag-take ng napakahirap na entrance exam dahil sa tingin ko, di naman kayo interesado diyan, diba? Haist. Kung nag-eexpect kayong ginood luck ako ni crush, well... HINDI MAN LANG AKO BINATI NG WALANG HIYA. Ugghhh. Pang-good luck sana, eh. Putaaaa... Kaya't isk-skip ko na kasi WALA NAMANG GWAPO SA ROOM ASSIGNMENT KO. Ugghh. Walang inspiration mula kay crush, at wala ring inspiration sa isang random crush. Kaloka tong entrance exam ko.


Anyways, dahil bitter ako at wala ngang makabuluhang nangyari, (paulit-ulit?), ayon, umulan nung natapos na namin ang exams. Buti nga at may bubong yung pinarkingan nung bus namin kaya di ako nabasa lol. Pagkapasok ko sa bus, surprisingly, siksikan kami. Di ko alam kung bakit kami siksikan eh 8 lang naman kaming magtatake. Anyways, hinanap ko ang mga kaibigan ko at walang hiya ang mga bruha, di man lang ako hinintay. Nagpartner-partner na pala sila. Kung maiimagine niyo, yung mga upuan sa bus na tig-dalawahan? Yun ganun. So wala akong kasama sa kanila. Ang natitirang upuan na lang ay 'yong tabi ni Lance.


Aishh. Ok lang kahit iniwan ako ng mga kaibigan ko. Okay lang talaga. SOBRANG OKAY. I LOVE YOU MY DEAR FRIENDS. GYAHHHH!! TABI KAMI NI CRUSH.


At dahil nga siksikan, umupo na ako agad. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana na kanyang katabi kaya't tahimik sa side naming dalawa. I smell, awkward. Tumingin na lang ako sa kabilang direksyon. Haist. Ok lang. Magkatabi kami. Ayos lang. Magkatabi kami. Okay na okay lang talaga ang magkatabi kami. Omg, magkatabi kami. Kahit di kami nagkaimikan, kyahhhh. MAGKATABI KAMI!


"U-uhm. Kumusta yung exam?" bigla niyang tanong.


HUWAATTT?? Nagtanong siya!! Siya yung unang nakipag-communicate. OMG! KYAAAhhhhh!!


I mean.. ehem.


"H-ha, ayos lang." tengene ba't ba ako nag convo-ender. Puta.


"Ah-ahh-ohh." Siya habang nakalingon naman siya sa bintana. Narinig ko yung malalim niya paghinga. Tapos, lumingon ulit siya sakin. "Good for you. Ang hirap non." Bigla niyang sabi.

Just Another Twisted Love Story (Kpop Fan Fiction) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon