JUST ANOTHER TWISTED LOVE STORY - PROLOGUE
"Hoy, Lance! Halika na." sigaw ko kay Lance na tila bang pagong na naglalakad. "Bilisan mo! Natatakam na ako, eh." Hinila ko na lang siya patungong tempurahan. Ililibre niya kasi ako ngayon ng tempura.
"Oo na. Oo na. Teka muna. Nasaan ba yung wallet ko?" sabi niya habang hinahanap niya yung wallet niya sa malaking bag niya na wala namang laman.
"Kuya! Tatlong tempura po. Ilagay mo sa cup. Tsaka dos na juice po." Masayang sabi ko sa nagtitinda ng tempura.
"Hoy, teka. Ba't ka nag-order agad? May pera ka ba?" tanong ni Lance.
"Hehe. Nasa'kin wallet mo." Sabi ko sa kanya sabay pakita sa kanya yung wallet niyang kanina pa niya hinahanap.
"Hoy! Sama mo!" at binatukan ako ng walang hiya.
Hi! Ako nga pala si Faith Angela Aragon at itong kasama ko si Lance Fuentabella, ang best friend ko, at ang crush ko, shhh. Gwapo siya, maganda ako. O diba bagay kami. At napakaswerte ko dahil kaibigan ko ang long-time crush ko. Manlilibre pa ng tempura. Gwaahhh. Saya ng buhay.
"Sumusubra ka na, Faith. Wala na akong pang-lunch bukas." Pagmumukmok ni Lance habang binibilang niya yung natitirang pera niya.
"Hehe. Sarap ng tempura, eh." Sabi ko habang ngumunguya ako nun. "Total, niloloadan naman kita araw-araw, ah. Diba ang usapan, loloadan kita tapos yung bayad tempura?"
"Oo na. Oo na." sabi niya habang wini-wave niya yung kamay niya na tila bang nagsasabi ng "I Give Up". Lol. Ang cute talaga niya.
Sabay kaming umuuwi araw-araw. Walking distance lang kaya't keri lang. Uwian namin usually mga 5 pm pero kadalasan, magtatambay muna kami kung saan namin gustong magtambay. At araw-araw, kikiligin ako dahil para kaming nag-da-date kada uwian, pero siyempre, di yun totoo. May ibang gusto tong hayop na to, eh.
Naalala ko ang weird talaga nung una kaming naging kaibigan. Like recent lang talaga yun nangyari. Classmates na kami for like 5 years pero never in those long years kami nag-kaclose. As in NEVER. Di kasi ako mahilig sa mga shy type na lalaki. Dati, hinding-hindi mo talaga mapapansin tong si Lance. Parang hindi ata siya nag-exist eh. Yung mga ganun. Malalaman mo lang na classmates pala kayo pag magka-group kayo or partners. Pero, masasabi ko talaga, ang weird talaga ng simula ng aming pagkakaibigan. Yung parang, ayun, nag-usap kami, friends na agad kami. Joke lang, di ganun.
Grade 5 kami nun. Naging kaibigan kami dahil sa ex-crush ko. Lol. May ganun?
May crush ako dati na taga ibang school, si kuya Charlie. Medyo GC ako, leader type saka strikta dati kaya di akalain ng mga classmates ko na magkakacrush ako. And I'm like, hello, I'm a girl too. So itong kaibigan kong itatago natin sa pangalan na Ruby, sinabihan ko na may crush ako. Eh, ayun, natuwa. Sinabi ko sa kanyang wag ikalat kahit walang nakakilala sa crush ko sa school namin kasi nakakahiya. Eh yung, loka-loka, ayun, di nga binuking yung totoong pangalan, eh napaka-obvious naman ng codename na ginamit niya. Akalain mo, 'Mr. Charlton'? I'm like, nakailang face-palm na siguro. Ibinabalita niya sa mga classmates ko na "Uy, may crush si Faith. Si Mr. Charlton. Hahaha. Codename lang 'yan." At grabe, nakakahiya talaga. Hindi ko na lang pinasin kasi, wala ngang nakakilala sa crush ko kahit ma-gets nila yung codename, hanggang sa..
BINABASA MO ANG
Just Another Twisted Love Story (Kpop Fan Fiction) [Ongoing]
Novela JuvenilMeet Faith, isang simpleng babaeng sinusunod lang ang daloy ng buhay. Ngunit pagdating sa crush niya, panay dasal niya kay Lord na sana baguhin ni Destiny ang kapalaran niya para magkatuluyan sila. Close sila, magbest friends sila, at baka crush nil...