CHAPTER 4
"Now class. For the Christmas Party, mag-BYOP lang tayo ha? But if willing kayong mag-donate ng letchon, that would be even better." Sabi ng adviser namin.
It's December and Christmas is in the air. Let's skip here na lang kasi wala namang masyadong makabuluhang nangyari sa past 2 months since the NCE. So heto kami ngayon sa homeroom period namin, nagdidiscuss kung ano yung gagawin namin para sa Christmas Party.
"Ma'am mag-Toy Story theme tayo!" suggest ng isa kong kaklase.
"Mag-horror tayo. Tapos maglagay tayo ng horror booth para masaya." Suggest maman nung isa.
"Ulol. Christmas na, pre. Move on na sa holloween."
"Mag Greek Gods and Godesses nalang tayo."
"Cross-dress na lang para masaya!"
So ayun, nag-susuggest sila kung ano yung magiging theme namin. Either way, I don't really care as long as may pagkain at makakareceive ako ng gift. Mwehe.
Wala akong ganang makinig sa kanila so natulog na lang ako. Lol. Nalaman ko na lang sa next subject na Disney daw yung theme namin tapos kailangan naming mag-costume ng character na mabubunotan namin. Ugh. Hassle naman oh.
Ang nakakainis sa school na'to, dadaan muna kami sa hell bago kami makakapunta ng heaven. So like gagawa pa kami ng mga projects tapos mag-aaral pa kami para sa QE namin before kami magpaparty-party. Ansaya diba? Tapos bukas may tatlong long quiz kami, Math, Science saka History. Putengene talaga. Legal pa ba 'yon? Mamatay na kami, eh. Elementary students kami, di college. My Ghad. Pagkatapos—
"Ay Butiki." Napasigaw ako sa gulat.
"Ngayon, butiki na naman ako. Una, unggoy, sunod palaka, tapos kabayo, last month mansanas. Tapos ngayon butiki? Yung true?" Si Lance.
"Ginulat mo kasi ako." Akalain mong inilagay niya sa pisngi ko ang isang napakalamig na coke.
"Tulala kasi." Sabi niya. Kinuha na niya yung bag niya. "Uwi na tayo." Alok niya sa'kin. Hehe. Ansarap talaga sa feeling na magkasama kayo palagi ng crush mo sa pag-uwi at siya pa ang aalok.
"Akin na ba 'to?" tanong ko sabay angat sa coke na inilagay niya sa desk ko.
"Sa'yo na 'yan!" sabi niya at umuna na siya. Shet. Thank you kras, ha. May idagdag na ako sa collection ko. Ininom ko na 'yon.
--es--
Tahimik kaming naglalakad habang ngumunguya ako ng tempura. Yes, nilibre ako ni kras ng tempura, my labs. Ansaya-saya ko ngayon.
"Teka. Faith, may project tayo sa Science diba?" biglang tanong ni Dominic. And yes, kasama na naman namin si Dominic. EPALLLL!!! >___<
Tumigil kami sa paglakad saka liningon ko si Dominic. "Meron ba?" tanong ko saka nagpatuloy kumain.
"Meron. Groupmates nga tayo." Sabi niya.
"Edi Wow." Side comment naman ni Lance. Lol. Naiba kasi siya ng group. Bitter.
BINABASA MO ANG
Just Another Twisted Love Story (Kpop Fan Fiction) [Ongoing]
Novela JuvenilMeet Faith, isang simpleng babaeng sinusunod lang ang daloy ng buhay. Ngunit pagdating sa crush niya, panay dasal niya kay Lord na sana baguhin ni Destiny ang kapalaran niya para magkatuluyan sila. Close sila, magbest friends sila, at baka crush nil...