Chapter 9 (Part 1) - Game Over?

2 0 0
                                    



Nakatitig lang ako sa mga cards sa harapan habang kinakain nito ang kaluluwa kong nawawasak na tila bang nasasaktan sa mga damage na naisulat sa mga cards niya. Parang dumilim ang paligid ko at tanging pintig ng puso ko lang ang aking naririnig. Naramdaman ko na lang na hinigit na ako ni Jared palabas ng battle arena. Doon ko lang napagtanto na for the longest time

.

.

.

.

.

Natalo ako.



"Hoy, babae. Ano bang ginagawa mo? Di porket Sabado ngayon ay di ka na babangon ng maaga. May lakad ako kaya't kailangan mong bumangon kundi hindi ka makakain!" Rinig kong sigaw ni ate Eya mula sa baba.



Gahhh. Agang-aga naman nito mambulalas ng tenga, tengana. Mas hinigpitan ko pa ang pagkayakap ko kay Kevin (minion na stuff toy) habang inaalala ang nangyari kahapon, ang mapait kong pagkatalo sa larong minsa'y puso ko ang kapalit. That punk.



"Whoa. Di ko akalaing dito tayo magkikita ulit, Gelai, dito pa, sa isang official competition and magkaharap pa tayo. Naglalaro ka parin pala ng Vanguard? Ang galing naman, tagal na nun. Too bad, magkalaban tayo ngayon..."



"ANONG ORAS MO BANG PLANONG BUMANGON?!" pukaw sa'kin ni ate habang hinahampas-hampas niya ako ng kung anong makita niyang unan sa kama ko.


"A-aray! Tama na. Aray!"


"GISING NA! KAIN NA DAHIL MAY LAKAD PA AKO, TANGINA!" makabasag ear-drums na sigaw ni ate.


"Aish. Umalis ka na nga! In the first place, ako lang naman talaga mag-isa, eh. Iniwan niyo akong lahat na mag-isa dito sa walang buhayng bahay na'to. Umuwi ka na nga!" drama ko saka itinabon sa sarili ko ang habol.


"Anong umuwi sa inyo?" tanong niya sabay hablot ng habol ko. "Hoy, bahay ko rin kaya 'to. Sadyang nag-dodorm lang talaga ako ngayon. Bumangon ka na nga para mag-agahan. Tangina."


"Umalis ka na nga! Iwan mo na nga ako! May lakad ka pa diba?" bumangon na talaga ako.


"Hoy." Biglang sumeryoso ang tono ni ate. "May nangyari kahapon, noh?"


"WALA!" Sabi ko at itinabon ko ulit sa sarili ko ang habol. Kinuha na naman niya iyon.


"Oh, you can't fool you're dear sister, Faith. May nangyari kahapon, noh?"


"A-anong? H-Hindi naman sa iniwan niya talaga ako-- ugh. Umalis ka na nga." Sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto ngunit nahawakan niya ang doorframe kaya't natigil kami.

Just Another Twisted Love Story (Kpop Fan Fiction) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon