Chapter 7
Homeroom period na namin ngayon at kasalukuyan kaming bumubunot ng costume namin para sa Christmas Party. Taray diba. Kung bakit di kami pwedeng pumili ng sarili naming costume ay ewan ko sa class president namin.
Andaming natuwa at andaming nagreklamo sa mga nabunot nilang costume but ako, okay lang. Nabunot ko pala si Jessie ng Toy Story. Medyo madali siya thank God. Gagawa na lang ako this weekend.
Pagkatapos ng period, dinismiss na kami ni Ma'am. Agad kong niligpit ang mga gamit ko saka nilapitan si Lance.
"Uy, sabay ka?" tanong ko sa kanya.
Mga ilang araw na kasi siyang di sumasabay sa'min pauwi. Pag di ko siya kasama, baka magkita naman sila nung Justine na 'yun. As much as possible I want to keep an eye on him, kahit na alam kong wala akong karapatan. Pero if genuine talaga ang feelings ni Lance for that bitch, then, do I have a choice?
"Sorry, Faith. Sabay kami ni Jiro ngayon. May... may gagawin pa kami. Uhh.. game." Sagot niya sa'kin na siyang ikinalungkot ko.
"K. Bye." Sabi ko na lang saka lumabas na ng classroom. Alangan namang pilitin ko siya. Baka magalit yun sa'kin. Hinihintay na pala ako ni Dominic.
"Di na naman siya sasabay?" tanong ni Dominic.
"Yah." Tipid kong sagot.
"Bayaan mo na." sabi niya saka umuna.
Ugh. Pakyu talaga Jiro. Stop holding back Lance.
--es--
Pagkarating ko sa amin gumulat sa'kin si ate na nakahiga sa sofa habang naglalaro sa phone niya.
"Oh, napauwi ka?" neutral-faced kong tanong sa kanya.
"Ouch, Faith. Ayaw mo na ba akong makita? You're so mean to your nee-san." Drama ni ate Eya sabay hawak sa kanyang puso na para bang nasasaktan.
"Dafuq. Like Girlfriend, like Boyfriend lang ang peg?" pagmumura ko sa kanya. Tinanggal ko ang sapatos ko tsaka nagsuot ng apron at pumunta sa kusina. Sumunod naman ang bruha sa'kin.
BINABASA MO ANG
Just Another Twisted Love Story (Kpop Fan Fiction) [Ongoing]
Teen FictionMeet Faith, isang simpleng babaeng sinusunod lang ang daloy ng buhay. Ngunit pagdating sa crush niya, panay dasal niya kay Lord na sana baguhin ni Destiny ang kapalaran niya para magkatuluyan sila. Close sila, magbest friends sila, at baka crush nil...