IF WE FALL IN LOVE: Fresh Start

1.3K 54 6
                                    

Kaagad dumeretso sila Kisses, Marco at Kristine sa ospital 'nang malaman nila ang tungkol sa nangyari kay Maymay. Pagdating nila sa ospital ay naabutan nila sila Edward, Elisse at Mccoy na naghihintay sa labas ng ER (Emergency Room). 

"Ate Elisse, Kuya Mccoy, Edward, hindi pa rin ba lumalabas si Ate May?"si Marco

"Hindi pa rin e. Pati 'yung doktor na tumitingin sa kanya, hindi pa rin lumalabas. Although, nakausap na namin 'yung isang nurse. Ang sabi niya inoobserbahan nila si Maymay at ra-run sila ng ilang tests for further observations."si Elisse

"Hindi kaya may sakit si Ate Maymay?"si Kisses

"Oo nga. This is the first time na nahimatay siya."si Kristine 

"Guys, magrelax muna tayo. Hintayin na lang muna natin 'yung doktor at 'yung magiging findings nila. For now, magrelax muna tayo."si Mccoy

"Edward, ano ba talagang nangyari? Diba kayo ang magkasama?"si Kisses

"When I arrived in the cementery, naabutan ko siyang umiiyak sa harap ng grave ng parents niya. She's talking to them. I approached her to apologize for everything but her emotions are too high. Gigil na gigil siya sa'kin hanggang sa nahimatay na lang siya bigla."si Edward

"Baka naman 'yun lang ang dahilan kung bakit nahimatay si Ate Maymay. Baka nga masyadong mataas 'yung emosyon niya."si Marco

"Pwede pero pwede rin na may iba pang dahilan."si Kristine

"'Wag na muna tayong mag-isip ng kung ano-ano. Baka mamaya nagutom lang 'yun at nalipasan. Kung ano-ano na kaagad pinag-iiisip niyo e."si Elisse

"Tama ang Ate Elisse niyo. Relax muna tayo."si Mccoy 

"Sa susunod naman kasi Edward, pagkain ang ibibigay mo kapag makikipagbati ka, para maiwasan natin 'yung mga ganito."si Elisse

"I brought her chocolates, kayalang nalusaw na. One more thing Ate Elisse, she's still mad at me."si Edward

Natigil sila sa pag-uusap 'nang mapansin nila na bumukas na ang pintuan ng ER.

"O ayan na 'yung doktor."si Mccoy

"Doc! Kami po 'yung kasama ni Mary Dale Fajardo. Ano pong lagay niya? kumusta po siya?"si Elisse

"She's okay now. Dalawang rason ang nakita naming dahilan kung bakit siya nahimatay. Una, nalipasan siya ng gutom. Pangalawa, masyadong mataas ang naging emosyon niya bago siya mahimatay. Baka na-stress ang pasyente. Sino ba sa inyo ang huling kasama bago siya nahimatay?" tanong ng doktor

"I am."si Edward

"Ah ikaw pala. Siguro nag-away kayo ng girlfriend mong si Mary Dale kaya nahimatay siya 'no?" sabi ng doktor

"Ah doc, she's not my girlfriend po."si Edward

"Oh I'm sorry iho. Anyway, kaya kami natagalan sa loob dahil inobserbahan namin siya at nagrun na rin kami ng ilang test para makasigurado kami na walang ibang dahilan ang pagkakahimatay ni Mary Dale."sabi ng doktor 

"Thank you very much, Doc!"si Elisse

"Kailan po siya makakauwi, Doc? At kailan din ho namin makukuha 'yung resulta ng mga tests na isinagawa niyo sa kanya?"si Mccoy 

"Makakauwi na rin siya as soon as she wakes up. As for the results of her tests, ipapadala na lang namin sa inyo. You can leave your mailing address and we can just send it there."sabi ng doktor

"Alright, doc! Thank you."si Elisse 

'Nang masiguro na nila na ayos na si Maymay ay nagpaalam sandali sila Kristine, Marco at Kisses na bumili ng prutas sa labas para kay Maymay. Si Mccoy at Elisse naman ay nasa waiting area at kausap ang magulang nila Elisse. Si Edward ay hindi na nakatiis pa dahil sa kanyang konsensya, kaya pumasok na siya sa loob ng kwarto kung saan nandoon si Maymay. 

If We Fall in Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon