Ang girls nagsimula nang mag-ayos ng set-up para sa dinner by the beach nila, ang boys naman nag-iihaw.
"Ang sarap ng simoy ng hangin dito sa Zambales grabe! Malayong malayo sa mausok na Maynila."si Vivoree
"Sinabi mo pa Vivoree, alam mo kung ako nga ang masusunod e mas gusto kong tumira na lang sa ganito, kesa sa Manila sobrang gulo at usok."si Kisses
"Hindi rin, ano. 'Wag kayo magsalita ng tapos, dahil for sure hahanap-hanapin niyo pa rin ang Manila. I'm very sure of that."si Kristine
"Ikaw ate Maymay? Mas gusto mo bang dito na lang o sa Manila?"si Kisses
"Syempre sino ba naman ang may ayaw tumira sa ganitong klaseng lugar, pero 'yung buhay na nakasanayan ko nasa Manila, kaya syempre sa Manila pa rin."si Maymay
"Exactly. Mahirap baguhin ang nasakanayan."si Kristine
"Yung totoo Kristine? Sumasang-ayon ka ba sa'kin o humuhugot?"si Maymay
"O bakit hindi ba totoo? Mahirap naman talagang baguhin ang nakasanayan diba?"si Kristine
"Kristine dami mong alam. Ginugulo mo naman 'yang si ate Maymay e, kahit anong gulo mo diyan hindi na magbabago 'yung naging desisyon niya."si Kisses
"Tama. At kahit na paulit-ulit pa silang mag-usap ni Edward e wala na rin namang mangyayari."si Vivoree
"Okay fine, wala naman akong sinasabi e."si Kristine
"Tama na nga kayo, basta ang mahalaga sa'kin nandito kayo sa tabi ko at alam kong lagi kayong handang umalalay sa'kin, okay na ako dun."si Maymay
"Ikaw Vivoree, kailan mo balak aminin na nagsisisi ka dahil pinakawalan mo pa si Tristan?"si Kisses
"Huy bakit naman sa'kin napunta 'yung usapan."si Vivoree
"Sayang kasi kayong dalawa ni Tristan, kung sana kasi hindi mo pinairal 'yang takot at kaduwagan mo e di sana may kasama ka ng boyfriend ngayon."si Kristine
"Bakit naman kasi naduwag ka, Vivoree?"si Maymay
"Hindi ako sigurado e, hindi ko alam kung handa na ba akong masaktan, at kung handa na ba akong harapin 'yung future."si Vivoree
"Minsan kailangan mo lang magtiwala, hindi enough 'yun para masabing hindi ka na nga talaga masasaktan, but at least you tried."si Maymay
"Tingnan mo 'tong si Kristine at 'yung si Vince, nagtagpo silang dalawa ulit dahil sila talaga ang nakatadhana sa isa't isa."si Kisses
"Bakit sigurado ba tayo na si Tristan nga ang nakalaan para sa'kin?"si Vivoree
"O tama na 'yan. Eto lang 'yan e, oras na magkita kayong dalawa ulit Vivoree at may nararamdaman pa rin kayo sa isa't isa, ibig sabihin lang 'nun na kayo nga talaga ang para sa isa't isa."si Maymay
"'Yun!"si Kisses
Pumasok naman sa eksena si Marco at inakbayan si Kisses..
"Girls, alam ko namang kagwapuhan ko na naman 'yung pinag-uusapan niyo, pero tara na kasi baka lumamig pa 'yung iniihaw namin."si Marco
"Oo lalamig talaga 'yun dahil sobrang hangin mo."si Kristine
"Hahahahaha! Nasobrahan talaga sa confidence 'tong future husband ko. Sige na hain niyo na dito 'yan nakaayos na naman 'yung table e."si Kisses
"Ay saglit kukunin ko 'yung camera ko, magpicture tayo ah."si Maymay
"Sige sige ate May, mag-aayos na kami dito ng foods."si Vivoree
BINABASA MO ANG
If We Fall in Love
RomanceNang magdesisyon si Nikka (Heaven Peralejo) na tuparin ang kanyang pangarap na maging isang sikat na model sa America ay ipinagkatiwala niya ang kanyang boyfriend na si Edward (Edward Barber) sa kanyang pinsan slash best friend na si Maymay (Mayma...