IF WE FALL IN LOVE: Welcome to Singapore

985 41 7
                                    

Maaga palang ay nagkita-kita na ang lahat sa bahay nila Maymay para doon iwanan ang mga sasakyan nila. Si Kisses at Marco ang unang dumating.

"Marco, tulungan mo kong iayos yung park nung mga sasakyan sa garahe para magkasya yung sasakyan ni Vince at Edward."si Mccoy

"Sige kuya Mccoy."si Marco

Pag-alis nung dalawa

"Hay grabe halos hindi ako nakatulog sa sobrang excited ko kagabi."si Kisses

"Kaya naman pala ang sabi sa'kin ni Marco nagconcealer ka lang daw para matakpan yang laki ng eye bags mo."si Maymay

"E ikaw ba? Nakatulog ka ba?"si Kisses

"Nakatulog naman ako pero hindi pa rin mawala sa isip ko na magiging kami ni Edward for a week. I mean ang unusual nun."si Maymay

"Mahal niyo ang isa't isa, kaya susuportahan namin kayo. Wala naman kaming magawa para maging masaya kayo habang buhay, baka sa ganitong paraan maparamdam namin sa inyo na kahit sandali lang, hahayaan namin kayong magmahalan."si Kisses

"Salamat Kisses ah. Masaya ako na kahit papaano mararanasan namin ni Edward na hindi sayang yung nararamdaman namin para sa isa't isa."si Maymay

"E hindi naman talaga sayang yan dahil totoo yan at panghabang buhay."si Kisses

"Panghabang buhay ka diyan. Alam mo naman na kahit magkahiwalay pa si Nikka at Edward hindi rin naman kami pwede dahil ayokong masaktan si Nikka."si Maymay

"Enough of the drama na nga. Basta masayang masaya ako na okay ka."si Kisses

"Sandali nga, nasaan na ba 'tong si Vince at Kristine? Akala ko ba malapit na sila, e bakit hanggang ngayon wala pa rin."si Maymay

"We're here!! May roll call lang ate May."si Kristine

"O akala ko ba sabay kayo ni Vince? E bakit ikaw lang nandito?"si Kisses

"Oo nga."si Maymay

"Nasa garahe siya kasama si kuya Mccoy tsaka Marco. Sinasakay na rin kasi nila yung mga maleta. So ano guys? Ready na?"si Kristine

"E wala pa si Edward baliw."si Maymay

"Uy! Ayaw maiwan."si Kisses

"Hayaan na natin, isang linggo rin na masaya si ate May."si Kristine

"Mga baliw talaga kayo! Alam niyo kahit naman hindi maging kami ni Edward, masaya naman ako e."si Maymay

"Pero mas masaya ka kung kayo."si Kisses

"Kayalang ate May, 'wag ka masyadong kumapit ha, baka makalimutan mo na isang linggo lang ang lahat."si Kristine

"Hindi ako nakakalimot. Alam ko ang hangganan nito."si Maymay

"May, Kristine, Kisses, nasa labas na si Edward. Tara na alis na tayo, baka mamaya tayo na lang ang hinihintay sa school."si Mccoy

"Sige po kuya Mccoy."si Kisses

Pagdating nila sa school nagpaalam muna sila at nagpasalamat kay Mccoy..

"Kuya Mccoy, salamat sa paghatid sa'min ah. Salamat din kasi ikaw muna mag-aalaga sa mga sasakyan namin habang wala kami."si Marco

"Oo nga kuya Mccoy, thank you."si Edward

"Salamat kuya Mccoy."si Vince

"'Wag niyo na isipin at intindihin yun, akong bahala sa mga sasakyan niyo. Basta kayong tatlo ang bahala diyan sa tatlong babae, at para sa inyong lahat mag-enjoy kayo dun at mag-ingat kayo. May, Kisses, Kristine, Edward, Vince and Marco, 'wag na 'wag kayong hihiwalay sa mga professors niyo."si Mccoy

If We Fall in Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon