VIII. True Love's Kiss

962 49 14
                                    

Patulog na si Maymay nang puntahan siya ni Aria sa kwarto niya.

"TiNang."si Aria

"O Aria, anong ginagawa mo dito sa kwarto ni Tinang? Bakit gising ka pa? Di mo ba alam na masama ang nagpupuyat sa mga bata?"si Maymay

"Narinig po kasi namin ni daddy 'yung away niyo ni tita Nikka. Bakit po kayo nag-away?"si Aria

"Wala 'yun, usapang matanda lang 'yun Aria."si Maymay

"Sige na po sabihin niyo na po sa'kin Tinang."si Aria

"Bakit ba gusto mong malaman?"si Maymay

"E syempre Tinang para alam ko kung sino ang kakampihan ko sa inyong dalawa ni tita Nikka. Pareho ko po kasi kayong tita e."si Aria

"Wala kang dapat kampihan Aria, wala kang dapat panigan sa'min ng tita Nikka mo dahil hindi ka naman kasali sa gulo na 'yun at lahat gagawin ni Tinang para hindi ka masali dun."si Maymay

"Alam niyo po mas mabait kayo kesa kay tita Nikka."si Aria

"Nako 'wag mong sasabihin 'yan, dahil ang tita Nikka mo mabait 'yun at mapagbigay, misan lang syempre nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."si Maymay

"Totoo naman po Tinang e, kasi po siya lagi niya po akong pinapalabas sa room niya baka daw po kasi may sirain ako, pero kayo po hindi po kayo masungit."si Aria

"Bakit naman kita susungitan e pamangkin kita at inaanak? Pero alam mo Aria kahit nagsasabi ka pa ng totoo, hindi maganda na sabihin mo 'yun sa tita Nikka mo. Ganon lang talaga si Nikka dahil masinop sa gamit, pero hindi ibig sabihin nun hindi ka na niya mahal."si Maymay

"Ang bait bait niyo po talaga Tinang, lagi pong sinasabi sa'kin ni mommy na lagi po kayong nagbibigay sa kapwa at laging handang tumulong."si Aria

"At naniniwala si Tinang na ganon ka rin paglaki. Promise mo sa'kin Aria na lagi kang tutulong sa kapwa at lagi kang magiging mabait."si Maymay

"Promise po Tinang. Tinang, pwede po ba akong magtanong?"si Aria

"Ano 'yun?"si Maymay

"Bakit po kayo naghiwalay ni tito ninong Edward?"si Aria

"Pa'no mo nalaman 'yung tungkol sa'min ng tito Edward mo? Sinabi ba sa'yo ni mommy mo?"si Maymay

"Hindi po, nakita ko po kasi 'yung luma niyong pictures sa kahon ni mommy. Nakita ko po 'yung mga sweet photos niyo."si Aria

"Matalik na magkaibigan kami ng tito Edward mo, pero may mga bagay na nagbabago Aria, may mga bagay kaming hindi naayos ng tito Edward mo kaya hindi rin kami nagtagal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Matalik na magkaibigan kami ng tito Edward mo, pero may mga bagay na nagbabago Aria, may mga bagay kaming hindi naayos ng tito Edward mo kaya hindi rin kami nagtagal. Pero sinusubukan ni Tinang tsaka ni tito Edward mo na maging okay sila."si Maymay

"Ipagpa-pray ko po tonight na maging okay na po kayo, at kung pwede rin po e maging kayo po ulit."si Aria

"Ikaw talag Aria, bata ka pa ha."si Maymay

If We Fall in Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon